Thursday, June 29, 2006

Dragon Cake
















yesterday, when Amiel fetch me from work, he handed me a food styro... "dragon cake, pabigay ni bibsy sayo" wow! ang ganda ng itchura ng cake! DRAGON CAKE... hmmm... it made me think how come dragon cake ang name??? gawa sa dragon?! eeennggg! chinese cake?! eeenggg!! ah, baka gawa sa dragon fruit... make sense to me!

di pa ko nakakatikim man lang ng totoong dragon fruit na yan, madalas sa divisoria ko yan nakikita eh... never akong nagkainteres bumili kze na-we-weirdohan ako sa itchura nya..pero naalala ko na, nung last time sa island cove kame nag-dinner, meron silang ino-offer na bagong fruit shake...made of dragon fruit. ah, kaya pala ginawa rin nilang cake...

masarap yung cake, medyo may katamisan lang...at medyo lang nangimi akong kainin agad kze may polka dots thingy yun cake, effect nung fruit ... pero masarap! sinaluhan din ako ng kapatid ko kagabi... ;)

sarap maging buntis... spoiled sa lahat... nung isang araw naman binigyan ako ng madaming chocolates ng tito ni Amiel from States... hehehe... takaw days! ;)

Wednesday, June 28, 2006

My Sister-in-Law's Wedding

yesterday, i was on leave (again.) simply because i have a reason! ;) wedding ng sister in law ko... Beegel del Rosario with her long time bf Richie Vergara... it was a very beautiful wedding! at si ate lang ang bride na nakita kong walang bahid ng tense,kaba at pagkataranta... 2 hours before the wedding imagine nanonood pa ng dvd! ;) samantalang lahat ng tao sa paligid nya ay mega taranta na! hehehe...at ciempre pati ako super excited! dun na din ako nagpaayos, sus para nga kong member ng entourage eh lector lang naman ako! ;) halata ba ang galak sa mukha ko? ;) ako ang unang minuk-upan ng stylist at nagpa-up-do ako ng hair this time! 10 weeks preggy nako nakuha pang mag-tube dress! arte ko talaga! hehehe...


...eto naman ang kaguluhan bago kame mag-fly sa simbahan...

youngest sister-in-law Bibsy Mae - Over All in Charge for the wedding
owner/designer -- BMDR Fashion Shop - Island Cove Resort and Leisure Park
boys of the family - Amiel, Chris and Jasper

Nicole and Myk kulet!

the loving Mother looking at her daughter

the bride and the proud parents - (meron din kameng ganitong shot--- naiyak
nga lang si mama ko! ;)

the bride --- Beegel


... everyone was able to march down the aisle, kaze late si father! ;) buti na lang..kaya nakumpleto ang entourage! ...astig din ang grand entrance ng bride, merong fairy ballerina na nagsayaw sayaw for like 15 seconds bago in-open ang church door with matching smoke effect tapos sabay abot ng bouquet ng fairy sa bride... diba, kakaiba?! in our wedding kze smoke effect din pero pag-open ng door sabay palipad ng mga doves... eto si ate, habang assist ng li'l fairy sa kanyang parents...


...napakaganda ng homily..sobrang inspiring...sana ganun din ang nag-officiate ng wedding namin ni Amiel... kaze may pagka-terror yung pari namin eh, magsungit ba naman sa harap ng madaming tao! :( ...anyways, maganda flow ng ceremony, solemn, tska ramdam mo na nakikinig ang mga tao... medyo maulan lang ang panahon at may konting kulog..pero balewala yun. ...si Amiel ang Cord Sponsor... ako lector... ...picture taking na...
Bride's Family

with the entourage

with my Mother in Law

mag-ina ;)

ang nag-fe-feeling na lector!
with my sister Jonah



...dinner reception was held at Island Cove (same as us) dami food... what i had?! eto...
ang sarap noh?! carbonara,lechon,fish fillet,beef something,baby back ribs! tapos dami din fruits tska cakes for desserts..yes, i also have my favorite fresh vegetable salad! whew! busog kameng mag-ina! ;) ...eto naman ang mga pics sa reception..

with girl friends Corinne and Ichie

jonah and mama lafang ang cake


naks naman!

magka-mukha!
table #14 picture taking with the newly wed


..at siempre palalampasin ko ba naman ang araw na yun ng hindi ko kokodakan ang inaanak ko?! eto na cia...

Monday, June 26, 2006

tagal ko noh!?

halu peeps!!!

long time no blog... i know, nagiging lazy blogger si buntis! ;)

andami ko pa namang happenings ngaun...

umpisa na ng chicka-chenes!


chika 1: Good news to all! di na ko masyado nag-uumarte este i mean, nakakaranas ng morning sickness.... ;) di na rin madalas ang pag-to-throw up ko, kapag di ko lang talaga feel yung nilafang ko dun lang ako may i bulimic effect.


chika 2: kakatapos lang ng Rega- Water Festival ng Cavite last June 24... nakakainis lang kaze di namin masyado nakuhanan ng pics kze mababasa ang mga fones at digicam, out ang drama mo kung may dala kang gadgets pag andun ka... eto na lang ang setting: sa mismong city proper ng Cavite City organizers put up a 2km or more of water pipes with hundreds of sprinklers (ung ginagamit sa damuhan na umiikot ikot) sa ibabaw ng mismong kalye... tapos merong mga fire-trucks na nagpo-provide ng tubig para basa talaga ang lahat. Street/Wet Party talaga. Maraming stage na naka-set up na kung ano-anong pakulo, may mga artista, may mga pa-contest, may sayawan, may kantahan at kung ano-ano pang ka-epalan ng mga epals ng Cavite! ;) sa mga walang pakialam tulad namin sa mga live shows eh masaya na kaming nagpapabasa sa shower sprinklers at mga water guns namin.. It's also the time na makita mo ang mga long-lost friends at enemies mo dahil almost lahat ng tao ng Cavite and nearby Municipalities join sa grandiosang event! as in daig ng REGADA ang San Juan Celebration ng mga taga San Juan (duh). Magkakasama nga pala kame ng tropa, takas lang din ako dahil di ako pinapayagan ng nanay ko dahil nga buntis ako at siguradong siksikan dun, pero tigas-ulo that i am... punta pa din! pero sandali lang mga 1 1/2 hours lang naman ako nagbabad... hehehe...
tapos direcho na kame samin, nagprepare kaze ako ng lunch.. Thanksgiving na din namin ni Amiel sa baby namin.. Sinigang, Tahong at Inihaw na liempo! sarap ng kainan! ;)


Chika 3: nagpa-check-up ulet ako sa OB ko, inultasound din ako to check the baby's heartbeat... ay nakakatuwa pala... parang gusto ko ngang maiyak ng makita ko ang-ga-bean-size na something sa tyan ko na ang likot-likot, heartbeat daw un sabi ng OB... tinawag ko agad si DH para makita nya, ayun tuwang tuwa din... kanda txt agad sa MIL ko at mga friends nya na nakita na daw nya baby nya! hehehe...


Chika 4: After work, dumirecho kame ni DH sa Island Cove, naka-check-in na kze sila MIL at FIL dun for tomorrows wedding ng eldest SIL ko... dumating din ang brother ni FIL ko with his son from San Francisco kaya dun kame nad dinner... what DH and I had? eto....
super tamis ripe mango shake
stuffed ham and cheese pork chop for me
something japanese-thingy chicken for Amiel

kwento kwento... tapos bigla na lang ako sinumbong ni DH na mahilig daw ako mag-soda at Iced Tea! patay... pero eto matindi, he's tito kze ay nurse sa Amerika, kaya nag-bigay cia ng advise samin... sabi nya during my first trimester ok lang daw kainin ko lahat as in lahat ng gusto ko! Yahoo! lumang kasabihan na daw ang pagbabawal... pero pagdating ng 4th month dun na lahat gagawing in moderation, para daw di ako lumaki at di ako ma-C-section! ;) so eto ang lola nyo ngaun, lumalagok ng iced tea... hehehe...

Thursday, June 22, 2006

ala

i'm not being so talkative lately noh?! busy... busy procrastinating... hehehe!

nothin' much with mah life so far...

bein so lazy, dealin with all this pregnancy thingy... hurrr!!!


read:



MORNING SICKNESS!!!!


uhuh. you got it right.




experiencing that pregnancy nightmare drives me wild (insane,actually)



waking up with an empty stomach that needs to puke for like nth times in a day! having all your meals being flush down the toilet... oh gawd, it's hard bein a bulimic. how come they can tolorate that torture eh?!!



i'm on my 8th week, and pregnancy is at its worst.... all the while i thought i'm part of the lucky ones having an easy pregnancy. well, i'm not!!!



howell, i'll just have to leave it all here for now... rants and raves and all..




Thursday, June 15, 2006

Forever Grateful with Papa!!!


sa sunday na ang father's day... June 18. At sabi na din ni Ate Sienna, panigurado, lahat ng blog ngayon tungkol sa mga tatay,daddy,papa,erpat,paduk,pudrax at kung anu-ano pa ang tawag natin sa kanila. Lahat ng papuri at mga parangal para sa isang ama panigurado pasok sa mga entry ng bawat isang blogger...

ako?! mahigit sigurong isang linggo na kong nag-iisip ng mailalagay ko sa blog na 'to tungkol sa tatay ko, tama ka, first time ko bilang isang blogger ang magsulat tungkol sa father's day. Kaya special sakin to. Ayoko sanang basta-basta lang, gusto ko talagang galing sa puso.

Ganyan ko kamahal ang tatay ko. PAPA, (oo,tunog bakla man) pero yun ang nakasanayan kong itawag sa First Love kong lalake, si papa na ang tawag ng bunso kong kapatid ay daddy. Ewan ko kung bakit di sakin tinuro ang pagtawag ng DADDY. siguro dahil hindi bagay, hindi bagay sa isang batang lumaki sa tanyag na formulang - AM (oo, sabaw ng sinaing, un ang tawag dun) na sa gabi lang nakakainom ng gatas na kulang pa din sa sukat dahil sa kakulangang pinansyal ng mga magulang ko noon, si Papa na isang Philippine Navy,na ang sahod lamang ayon sa kanila ay sapat na sapat lang sa isang kilong galunggong at konting panggatas ko, bigas na pinagkukuhanan ng Am ko, at iba pang bayarin sa bahay.

Papa- na takbuhan ko kapag napapalo ako ni mama (oo,matigas at sobrang satirika ako nung maliit ako), naaalala ko pa kapag nagagalit si papa dahil minsan makikita nyang may latay ako sa hampas ni mama, minsan di nya nakikita kze naka-pajama na ako, kahit alas-6 pa lang ng gabi, di ako makapag-sumbong kze kasalanan ko at lalo akong papagalitan ng tigre (hehehe,yan ang tawag namin kay mama, matapang masyado eh!) ...un din siguro malamang ang naging bonding moments namin mag-nanay. kapag napapalo ako! ;)

..naalala ko din na kapag Christmas Party ng mga Navy, sinasama nya kame ni mama, duon magpapakitang gilas ako, lahat ng games babalihan ko, para sa price money o kahit gift price at tuwang tuwa (di ko sure o baka naaasar na din ang game master) dahil lagi ako ka-join at di nagpapalupig ang lola nyo! lahat na, kantahan,sayaw,at iba pang party games tinatalo ko sila.At sa isang tabi ang tatay ko, buong saya naman ang ngiti sa kanyang Unica Hiya.Proud tatay ika nga.

..kapag pasukan naman ang drama, talagang ilang buwan pa lang ay nagiipon na sila ni mama ng pang-Harrison Plaza (wla pang mga SM sa iba't ibang sulok,kaya sa Harrison ang place to be) para sa mga gamit ko, ang sapatos ko na talaga namang kahit anung kaladkad na di pa din mapudpod at talaga namang leather kung leather ang laban ang binibili sakin,medyo napapamahal sila pero para daw sakin yun,tska para matagalang gamit. Ultimo bag, isipin mo tumatagal ang bag ko ng 4 na taon ha! minsan nga feeling ko para kong member ng Electrolux team na nangangatok sa mga bahay-bahay kze parang pang-ahente ang bag ko! ;)

..masaya naman ang bahay namin, ako si mama si papa, ng biglang malaman ko ang balita... Magkakaron nako ng kapatid! 7 taon ako nuon, di ko matandaan ang naramdaman ko eh, pero siguro masaya naman ako. Ng lumabas sa mundo ang kapatid ko, dun, noon ako nakaramdam ng Selos sa tatay ko. Kasi mahal na mahal nya ang kapatid ko, pano ba naman, para silang pinagbiyak na puwet! (joke lang) as in, buong pagkatao ng sanggol na lumabas talaga namang carbon copy ni papa! ...dun nako nakaramdam ng selos. Dun na rin nagsimulang magkaron ng tawagang daddy, at princess naman mula kay papa tawag sa kapatid ko... Oh, san ka pa naman diba!? iniisip ko bakit siya daddy? ako papa? ah, baka kze straight gatas ang formula na nya? or baka naman nakakakain siya ng mga gerber products? oh dahil ang cute cute nya talaga? ewan ko, di ko na nasagot ang tanong na yun.

..kapag ngapala pinapagalitan ako ni papa, di nya ko actually pinapalo, tinatakot lang ako ng sinturon, deadma lang ako, di naman tinutuloy eh. Pero pinapaluhod ako na nakadipa ang dalawang kamay at pinapaharap sa aming altar at pinag-rerecite ng Our Father. oh,iba di ba?!
minsan lang akong pinaluhod sa asin (oo, asin na maalat) hinagis ko ang hotdog dahil ayaw kong kumain, ayun, ginatungan ni mama na panahon na para paluhirin ako sa asin. (naku,tirador ng pagka-torture ang nanay ko!) at si Papa na nagpa-uto sa mahal nyang asawa, ayun sumunod. Di ko na matandaan mga pangaral nila basta alam ko puchang kasakit lumuhod sa asin at umiyak na lang ako ng umiyak.. effective ang drama ko, si papa din ang unang aamo, bibigyan ako ng twalya para pamahid ng luha at umpisa na ng heart to heart talk...(pinaka-favorite kong part) kze dun nako magpapaawa! hehehe... lagi kong drama na mas mahal nya ang kapatid ko kesa sakin kaya ako pasaway...na mas favorite nya yun kaya ako lang pinapagalitan nya...pero actually, alam ko sa sarili ko mali ako talaga, paawa effect lang.

..si papa din na nagagalit kapag may notebook akong artista ang cover. Yamot din sa mga pinoy seatcom lalo na ang Palibhasa Lalake. Allowed lang ako manood ng Mission Impossible, Mc Gyver, Picket Fences at Rescue 911, para din daw sakin un at maging matatas mag-english. Gawdeymet! eto hanggang ngaun, di pa rin ako bihasa!
Na nagugud-night din sa amin magkapatid at nagkikiss ang tatay ko. nanay ko? ayun, di deadma lang,di kaze cia showy eh.. ;)

..tapos nung maghigh-school ako, aware ako na mahihirapan sila mapag-aral ako sa isang private school, kaya kahit gusto ko, never kong iginiit... pero si papa, na super believe sa katalinuhan ng panganay nya, aba, go ako sa isang private school. at talagang ipon at racket to the max para tuwing tuition eh full payment--katwiran nya-- para daw isang bigla na lang ang bayaran at di na mamumrublema pagdating ng bayaran time -- at tama nga, never akong nakaranas ng promisorry note!

..pero nung malapit na kong mag-college, medyo napagisip-isip na nya na baka di na nya kayanin ang expenses, kaya nag-desisyon siya--desisyon na nakapagpabago ng buhay naming pamilya -- Nag-ABROAD si Papa! oo, nag-seaman cia. Pero hindi biro ang diranas nya bago cia makasakay...matagal tagal din ciang naghanap ng agency... Eh talagang malakas din ang tatay ko sa Taas, ikaw ba naman, panay panayin ka sa dasal, at lahat ng simbahan talagang ritual na binibisita! ayun, nakasakay din cia sa isang luxury cruise...

..at dun na kahit paano nakaranas kame ng konting kaginhawahan, nakapagpatayo si papa ng maliit na bahay, ng lumaon ay nakabili kahit 2nd hand na kotse, nakapag-pagawa ng apartment paupahan, binigay ang lahat ng pangangailangan naming magkapatid (kasama na ibang luho) napagtapos ako sa Kolehiyo--isa sa pina-proud achievement daw nya yun, ang mapagtapos ako-- ako? bilang ganti, kahit di na ako nagka-honor eh tinapos ko ang degree ko within 4 years ng wala silang sakit ng ulo. ;) at ngayon, kasalukuyang nasa 3rd year College na din ang prinsesa nya... konting tiis na lang at 2 na ang greatest achievement nya.

..ang tatay ko din ang tipo ng magulang na never nag-expect from me after i graduated, oo friend, isa ako sa mga nakapagtapos na hindi halos nakatulong sa magulang... nakapagtrabaho naman ako kaagad, kaso parang pati sakin kulang ang sweldo ko kaya konting groceries lang ang naiaambag ko, pero wala akong narinig mula sa tatay ko na kahit na ano...

..between him and mama, si papa ang mas nakakausap ko lalo na kapag may problema ako at lalo na kapag nag-aaway kame ni mama. Demokratiko ang pagpapalaki samin ni papa, kung may dahilan ka, ikatwiran mo! sa tamang oras at panahon. Makwento din si papa, gustong gusto ko ang mga kwento nya tungkol sa pagkabata nya..madami ciang experience na sobrang nakakatawa at nakakapulutan ng aral.

..hanggang last year, nagpakasal na ako... si papa? akala namin magagalit o pipigilan ako... pero hindi... nagkamali ako ng inisip sa kanya... ng malaman nya, pumayag siya at sinabing nasa tamang edad na rin naman daw ako, at maayos ang mapapangasawa ko, duon din naman daw pupunta ang lahat... gusto na rin naman daw nya ng apo. wala akong naisagot kundi iyak at hikbi...

..si papa na naghatid sakin sa altar (kasama siempre si madir, naku di nagtampo un pag hindi) sa lalaking makakasama ko habang buhay.. Iyak na ako ng iyak nuon... bago nga ako ikasal, ilang gabing iyakan lang kame ng iyakan ng tatay ko, duon ko talagang napatunayan na walang paborito sa aming magkapatid si papa, Mahal na mahal ako ng tatay ko...alam ko dahil ramdam na ramdam ko... lahat ng magagandang pangaral at suporta nakuha ko galing sa kanya.

..lalo na ngayon, nalaman nyang magiging lolo na cia! aba, talagang tuwang tuwa ang tatay ko..sana daw boy kaze pareho na kameng babae na anak nya, sabik na daw kze ciang magkarga ng baby...lagi na lang kze sila hiram sa kapitbahay ni mama! ;)

..kaya ang promise ko sa sarili ko, either boy or girl ang magiging baby namin, kelangan merong REI sa name nya, gratitude ang meaning at name din ng tatay ko! (sipsip ba?!)

..pero like every other ordinary fathers, meron din downside ang tatay ko, he'd been to hell and back din naman before (on his younger years) sabi nga ni mama, malakas uminom si papa, yosi at ma-chicks... but then, he changed, not only for himself but for us..his family.
There were also times, he and mama would fight, big time, and i had to go with my mama (maglayas ba!) pero papa will always make sundo kame... at happy family na ulet ang drama! ;)

..ang haba na pala ng entry ko, pero who cares? maikli pa nga to eh, sobrang mahal na mahal at talagang proud ako sa tatay ko kaya ko nagawa to...

..uuwi nga pala siya sa August, by then, mga 4 mos. na ang tiyan ko...panigurado, one proud lolo-to-be si papa! mas ipapamper ako nun panigurado!

..hay, missed my papa terribly, writting this brought me tears.. sa kanya ko nga ata nakuha pagiging iyakin ko eh!

..kung mababasa mo lang to papa, i bet maiiyak ka din! di mo lang alam how thankful i am to be your daughter... kahit di ako princess! hehehe...

..I love you Papa! Happy Father's Day!!!!
















Wednesday, June 14, 2006

Folate for the Brain

kagabi first time kong uminom ng Anmum. Kelangan ko daw ang gatas na yun for the Brain development ng aking baby. Ciempre, ng malaman yun ni bossing buy agad at cia pa ang unang nagtimpla para sakin. i-document ko daw ang pangyayaring yun. Sabi ko naman sure, pasok ka sa blog ko! bida ka nanaman be! ;) natawa na lang ang mokong, ewan ko, siguro minsan tingin nya sakin may saltik na ko, ano daw nakukuha ko sa mga pinaggagawa ko, mga kanda-picture sa kung ano anong bagay at kadalasan ay kinukwentuhan ko din siya tungkol sa mga ka-link ko sa blog..pero super interesado siya sa ferret ni Annabanana... mahilig kaze sa hayup si bosing, kaya everytime may ginawang pagpapasikat si matilda (ang ferret ni Annabanana) kwento agad ako sa kanya!;) ay teka, nangpuchang, nawala nako! teka...ayun, siguro paglabas ng baby namin sasabihin ni bossing na siya ang unang nagpainom ng gatas sa kanya kze nasa tyan ko pa lang cia tinimplahan na nya ng Anmum ang anak namin...

tignan nyo naman ang ilong ko... lumalaki na ata... ;)

Monday, June 12, 2006

weekend lafang

indeed 'twas a very long weekend...

howell, wala naman ako masyadong nagawa/ginawa for the past 3 days.
i wasn't able to attend my SIL's Bridal Shower. it's not that i don't wanna, kaya lang sumama ang pakiramdam ko talaga, nahilo ako tsaka nag-throw up... pregnancy thingy...
pero si bossing, cia ang umattend ng Stag Party ng bayaw-to-be nya... typical all male bonding with the machismo effect galore with nag-uumapaw na beer-all-you-can... mawawala ba ang sexy-dancing-girlaloo?! naku, let's just leave this story here...

oo nga pala, dumating last sunday morning ang ninong namin ni bossing sa kasal fresh from bohol, at eto, dinalan ako ng makakain... sarap ng choco-nuts! parang peanut kisses choco flavored lang... sarap maging buntis... hehehe





bumili din ako ng mga pants for office kze medyo nagsisikipan na ang mga slacks ko...;) kaya lang, supposedly sa maternity section na ko bibili, pero jusme! nanikip ang dibdib ko! natakot ako sa mga garterized na mga pants na ang lalaki!!! kaya fly na lang ako sa mga large at x-large na mga regular office pants at duon ako nag-buy! ehhehehe...
at eto naman ang nilafang namin ni bossing... meryenda yan ha! anufah eh di tamang kain na ang lola nyo! ;)
eto na, last week, tinakam ako ni annabanana ng kanyang peaches n banana in creme, kaya ang inggeterang ako ay gumawa din ng version ko... peaches and banana with jelly in creme... ;)
nagustuhan ni bosing (first time ko ciang nakitang lumafang ng salad ng marami!) feeling ko talaga hindi ako ang naglilihi eh... hmmm... pero ang sarap talaga! gusto mo?!

pregnancy

Thursday, June 08, 2006

The Lake House

OMG! may bagong movie pala ang mga idol kong si Keanu at Sandy!!! (haneps,parang close kame) howell,ganyan talaga sa hollywood, friends-friends lang kame! nyeeeks!!!!

Anyway, got to find out 'bout this flick thru Jairam,
ewan ko ba, maghapon naman akong on-line, tapos nagbabasa din ako ng broadsheet (naks! boo! entertainment at lifestyle leasure lang kaya at comics! hehehe) pero di ko nabalitaan na meron palang movie na The Lake House! pero according na din kay Jairam, it was actually a US version of a Korean movie entitled Il Mare, hmmm... pero eto pa mas matindi... habang pinanood ko ang trailer at binasa at preview... bigla kong napaisip (oo, paminsan nagiisip din ako noh!) na hello, naaalala nyo ba yung movie ng GMA Films na Moments of Love?! which was shown mga march ata of this year, well, para kzeng halos pareho yung flow ng story, yung tipong magka-ibang time yung magka-love team pero gawa na din ng love eh still they were able to make a connection, yung sa Moments parang present time and panahon ng mga Kastila. Yung sa The Lake House naman 2 years time difference... same talaga, merong involve na lake (lawa) sa movie pero yung sa Pinoy version Puno naman ang point of tigilan ng dalawang mag-jowa, yung sa US naman House sa tabi ng lake. Howell, tapos eto pa ang sabi ng GMA Films (pero correct me if i'm wrong ha) naalala ko nung napanood ko ang trailer na ang movie was based sa ORIGINAL PANULAT ng isang so-so writer.... hmmm.... talaga lang ha?!?
Kaya minsan yoko na maniwala sa mga echos galore ng mga yan eh! oo nga, iba nga ang setting pero hello?! ganun din ang flow ng story kaya!!! naku talaga naman po Juan ano na ngyayari sa mga kababayan natin?! trip trip na lang ata talaga ngayon!

***
buti na lang, di ako nagpauto mapanood yung Moments of LOve na yun, 2 reasons: 1:gawa ng 7 eh, di ko feel mga artista dun,tsaka full-blooded kapuso ako! 2:wala lang, di ko feel at mas alam kong kikiligin ako sa Close to You! ;)

***
Naku, blogger is f*cked up today... i'm crossing my fingers now na ma-post ang entry ko ngayon, howell if not, i'll just save this as a draft...

***
Long week-end nanaman ang Pinas gawa ng Independence Day...san nanaman kaya ako maliligaw?! hmmm....
oh yeah, Bridal Shower ng SIL ko later at Island Cove, Pajama attire daw... hmmm, shocks! pano yun? laruy laroy ang mga pj's ko! alangan namang magsuot ako ng mga pang-gahasa kong sleepwear ano?! ;) ahahhahaha!!!!

***
Buntis update: so far, wala pa din akong morning sickness, at dipa din ako dinadalaw ng kaartehan... good thing ano?! wala pa din masyadong food cravings... so far so good talaga!





howell, oh pano... happy weekend na lang sa inyong lahat!!!

Monday, June 05, 2006

Wanting Go Nuts Donuts!

alam ko na kung ano siguro pinaglilihihan ko! GO NUTS DONUTS! , naalala ko nung time na nag Mall of Asia kame ni Amiel tapos almost 1 hour namin nilibot kahahanap ng stall ng Go Nuts, tapos ng makita namin finally eh i have to make pila sa loob ng isa pang oras! na talaga namang kina-badtrip ni Bosing at sabay sumpa sa Donuts na yun kahit na aminado ciang masarap! (well, male ego. hmp!)

..so ayun nga, di ko naman alam na jontis na pala ang lola nyo at mega kain ako ng Amazing Glaze, bale sa 12pcs na yun, 11 ang nakain ko, at yung isa ay binigay ko kay lovemela, habang on our way kame papasok sa work (nakakahiya naman lumafang ako tapos diko bigyan yung friend ko diba!) ay nakain ko pala 10 1/2 kaze ung isang half binigay ko naman kay Paula! ;)

..what made me think na talagang yun na nga siguro pinaglilihihan ko ay noong habang nanonood ako ng PBB Grand Coronation Night, mga past 12 midnight, habang ni-ro-roll na ang credits ng show biglang lumitaw ang Logo ng Go Nuts Donuts, bigla ba namang pumintig ng malakas at mabilis ang puso ko! ;) Right there and then, alam ko gusto ko talaga lumafang noon!

..kaso di ko magawang magpaka-OA at pilitin ang asawa ko mag-fly sa Mall of Asia --ang pinakamalapit na tindahan ng Go Nuts Donuts, bukod sa Robinson's Ermita at sa Alabang o Greenhills! :O

..buti na lang, at tumawag ang aking soul sister na si Riyo-- at may i ask ano gusto ko kainin! Aba, pagkakataon ko na to! at sabi agad ang lola nyo ng GO NUTS DONUTS,AMAZING GLAZE!!!

..kaya naman kagabi pag-uwi namin ni Bosing galing sa mga nanay ko, andun at pinaiwan sa mga tita ni hubby ang isang box ng Go Nuts! yahoo!!!!

..lafang agad ang lolash nyo...

..eto habang tinatapos ko to ngayon ay kasalukuyang lafang-garcing ako...

Sarap!!! salamat Riyo! ;)

Baby Couture

i was just browsing my N@W emails when i stumble upon the Baby Diaper Bag of Baby Couture



o diba ang gaganda ng mga designs?! tska affordable pa... parang gusto ko na bumili para sa baby ko!

wow.. lintek na pag-ka-excite ano?! hehehe...

Sunday, June 04, 2006

Buntis 101 weekend

...5 weeks and 3 days ang kasalukuyang bilang ng aking pag-dadalang-tao sa picture na yan.


...salamat sa lahat ng messages at goodluck comments... ;)

...eto ako ngayon, well, normal pa din ang pakiramdam, wala pa ang inaasang morning sickness at ka-hiluhan tuwing umaga... pwera na nga lang ang pagiging antukin to the nth power (dati ng antukin eh) tska sabi nila may pagka-masungit lang (um, eh dati na rin naman akong bitch) ;)

...feeling ko si amiel ang naglilihi! hehehe.. di ko kze sinasadyang malaktawan siya nung nakaraang araw habang tulog siya, so akala ko balewala lang yun, eh sabi ng mga matatanda (at mga di-naman katandaan na marami lang alam) eh wag daw lalaktawan ang asawa dahil yun daw ang maglilihi..which i find so weird, sa paglaktaw?! hello?!

...pero parang totoo nga, kze si Dear Amiel (baklang bakla nanaman ako) laging sleepy head, na napaka-unhim. tapos kain ng kain ng mga chips. then kagabi habang nanonood ako ng tv, aba, biglang umalis at pumunta ng 711--akalain mong bumili ng cornetto at sabihing akin daw yun eh di naman nagpapabili sa kanya, so nilagay ko sa fridge, aba, tampo ang drama at ayaw ko daw ng bili nya, un pala, cia ang may gusto , kaya sabi ko - kainin mo na at di ko trip kumain, ayun, lafang ang mokong! ;) sinusubuan ako ng pilit, kaya kahit ayoko at matigil lang sa kulet niya eh kumain na din ako! . di rin daw cia makatulog agad pero antok na antok cia... hehehe..so nauna na ko matulog.

...kanina naman habang nag-da-drive cia pahatid sakin sa work, bigla ciang naduduwal, nahihilo daw at parang gusto sumuka! ;)

...ayun, galit na galit ngayon ang mokong sakin at kanda txt na dahil nagsumbong sa mga nanay-nanayan niya! ... para daw mawala yun eh dapat paliguan ko cia! patay tayo dyan!

***
kahapon din pala tumawag ang MIL ko, meron daw cia ibibigay samin, all the while i thought bagay or food, tapos un pala Katulong/Kasambahay! sus, san ko naman isusuksok ang taong yun sa bahay namin?! wala na ciang paglulugaran at malulugi lang si MIL sa bayad sa kanya dahil halos wala ciang gagawin... para daw un sa paghahanda ng magiging yaya ng baby namin.patay nanaman tayo dyan! ;) eh sabi namin ni Amiel, hindi pa ngayon, kung mangangailangan man kame siguro kapag talagang di ko na kaya, tsaka ano ginagawa ng aking madir?! hehehe... sabi ko na dati pa eh, swerte ng anakis ko daming magmamahal!

Friday, June 02, 2006

Pre-Natal update

...so i chose the female OB...
...and went for my first Pre-Natal Check-up.

***
i'm 5 weeks na pala, kaya i have to take na vitamins and folic acid, pero meron din ako pampakapit na gamot kze mga 5 days ko na nararamdaman sakit ng puson ko, yung feeling na parang magkakaron na ko... so kelangan ko i-take 4 types of gamot in different times of the day.

...dami mga do's and dont's, bawal na talaga forever coffee, softdrinks at mga junkies. Ok lang sakin, para naman samin ng baby ko un eh...

...sa ngayon, ang dami ko talagang worries, like will i be a good mother for my child? , siyempre lahat gagawin ko para sa kanya, ngayon naiisip ko mga katarantaduhan ko nuong medyo bata pa ko at lahat ginagawa ko kahit masaktan ang nanay ko... ngayon eto ako, tamang senti/worried na baka di ako maging karapat dapat na ina... Oh, please God, help me. I needed you now the most... please make my pregnancy and child safe...


Thursday, June 01, 2006

when 2 lines are better than 1


...for the past few days friends keep telling me how sungit i am, how kulet i am and how whining i am with them...sanay na nga daw sila at likas akong DRAMA QUEEN. ako naman, strange feeling keeps on occuring, bigla na lang ako parang nagpapalpitate, biglang aantukin, biglang hyper, gutom lagi (well, patay gutom talaga eversince!) ... pero madami din nagsasabing baka preggy na daw ako... sabi ko naman, SANA! ... pero halos di mabuo sa isip ko kaze mahigit 1 week na kong nakakaramdam ng symptoms ng monthly dalaw ko... halos every 5 minutes back and forth to the cr ako to check if i have na... pero until kahapon (june 1) wala pa... so officially delayed nako ng mga 3-4 days... Amiel naman on his opinion eh buntis daw ako talaga, feel daw niya! (o kinaya mo ang kutob ng asawa ko!? ) baka kaya lagi ako iritable with him or sa kahit anong ginagawa niya ng mga huling araw. Lagi ko siya inaaway! hehehe...

...i really wanted to post an entry bout my delay 2 days ago...but then, baka mali lang ako.. so i told myself wala munang posting ng entry sa blog hanggat wala pang proof, baka sabihin ILUSYUNADA ako bukod sa pagiging DRAMA QUEEN! ;)

...so last night, while i was preparing dinner, Amiel went out to buy Pregnancy Kit for me, original plan was to use it the following morning, pero likas na makulet kameng mag-asawa kaya around 8:25pm may-i-jingle ako at may-i-patak si husband sa kit...kaso, kulang pala ang nailagay ni Amiel kaya parang invalid, good thing di ko pa naitatapon ung dropper, so patak ulet... hala! at daliang lumitaw ang dalawang pink lines! positive!!! ;) 8:30p of June 1, 2006.

... now im pregnant!

...ganun pala ang feeling, habang binubuksan at binabasa ang instructions ng kit hanggang inaantay namin ang mga lines na lumitaw, di namin ma-explain yung feeling, super excited na may kaba na what if mag-negative-kinda-feeling. Tapos ng makita namin yung 2 lines, ayun na yapusan at sigawan na kame ni Amiel sa galak! ;) sarap ng feeling! then after ng happiest-stage-yapusan namin then it's time to tell our both families and closest friends!... kanya kanyang txt at tawagan na naganap... called my mom, mother in law, mga hipags, dad in law etc...

...ano kaya magiging baby nyo?! tanong na one or two of them muttered. everyone has their bet, my side wanted a baby boy, my husband's side wanted a girl... si husband boy din ang gusto.. ako?! kahit ano basta healthy. ;)

***flash report: eto, habang tinatapos ko ang post ko ngayon, dumating si Lovemela at binigyan ako ng P20.00. baket?! kze kasabihan daw ng mga elders na kapag once you know na may buntis, you then have to buy the child... for safe pregnancy daw at healthy baby... aba, at ngayon pa lang ramdam ko ng madaming magmamahal sa anak ko...

...mamaya after work, fly kame sa ob-gyne for check-up na... kaso.... torn pa din ako kung kaninong ob ako pupunta:
OB 1: Dr. Domingo -- lalake pero queer ata, refferred by my mom, friends of mom, relatives.
OB 2: Dr. Concha -- girl, reffered by MIL, officemates and by my Manager.

so kanino kaya? i only have 4 hours left to think para kanino ko pupunta mamaya....

*** i also checked the Chinese Pregnancy Calendar and it's predicted that'll have a baby girl!