Thursday, June 15, 2006

Forever Grateful with Papa!!!


sa sunday na ang father's day... June 18. At sabi na din ni Ate Sienna, panigurado, lahat ng blog ngayon tungkol sa mga tatay,daddy,papa,erpat,paduk,pudrax at kung anu-ano pa ang tawag natin sa kanila. Lahat ng papuri at mga parangal para sa isang ama panigurado pasok sa mga entry ng bawat isang blogger...

ako?! mahigit sigurong isang linggo na kong nag-iisip ng mailalagay ko sa blog na 'to tungkol sa tatay ko, tama ka, first time ko bilang isang blogger ang magsulat tungkol sa father's day. Kaya special sakin to. Ayoko sanang basta-basta lang, gusto ko talagang galing sa puso.

Ganyan ko kamahal ang tatay ko. PAPA, (oo,tunog bakla man) pero yun ang nakasanayan kong itawag sa First Love kong lalake, si papa na ang tawag ng bunso kong kapatid ay daddy. Ewan ko kung bakit di sakin tinuro ang pagtawag ng DADDY. siguro dahil hindi bagay, hindi bagay sa isang batang lumaki sa tanyag na formulang - AM (oo, sabaw ng sinaing, un ang tawag dun) na sa gabi lang nakakainom ng gatas na kulang pa din sa sukat dahil sa kakulangang pinansyal ng mga magulang ko noon, si Papa na isang Philippine Navy,na ang sahod lamang ayon sa kanila ay sapat na sapat lang sa isang kilong galunggong at konting panggatas ko, bigas na pinagkukuhanan ng Am ko, at iba pang bayarin sa bahay.

Papa- na takbuhan ko kapag napapalo ako ni mama (oo,matigas at sobrang satirika ako nung maliit ako), naaalala ko pa kapag nagagalit si papa dahil minsan makikita nyang may latay ako sa hampas ni mama, minsan di nya nakikita kze naka-pajama na ako, kahit alas-6 pa lang ng gabi, di ako makapag-sumbong kze kasalanan ko at lalo akong papagalitan ng tigre (hehehe,yan ang tawag namin kay mama, matapang masyado eh!) ...un din siguro malamang ang naging bonding moments namin mag-nanay. kapag napapalo ako! ;)

..naalala ko din na kapag Christmas Party ng mga Navy, sinasama nya kame ni mama, duon magpapakitang gilas ako, lahat ng games babalihan ko, para sa price money o kahit gift price at tuwang tuwa (di ko sure o baka naaasar na din ang game master) dahil lagi ako ka-join at di nagpapalupig ang lola nyo! lahat na, kantahan,sayaw,at iba pang party games tinatalo ko sila.At sa isang tabi ang tatay ko, buong saya naman ang ngiti sa kanyang Unica Hiya.Proud tatay ika nga.

..kapag pasukan naman ang drama, talagang ilang buwan pa lang ay nagiipon na sila ni mama ng pang-Harrison Plaza (wla pang mga SM sa iba't ibang sulok,kaya sa Harrison ang place to be) para sa mga gamit ko, ang sapatos ko na talaga namang kahit anung kaladkad na di pa din mapudpod at talaga namang leather kung leather ang laban ang binibili sakin,medyo napapamahal sila pero para daw sakin yun,tska para matagalang gamit. Ultimo bag, isipin mo tumatagal ang bag ko ng 4 na taon ha! minsan nga feeling ko para kong member ng Electrolux team na nangangatok sa mga bahay-bahay kze parang pang-ahente ang bag ko! ;)

..masaya naman ang bahay namin, ako si mama si papa, ng biglang malaman ko ang balita... Magkakaron nako ng kapatid! 7 taon ako nuon, di ko matandaan ang naramdaman ko eh, pero siguro masaya naman ako. Ng lumabas sa mundo ang kapatid ko, dun, noon ako nakaramdam ng Selos sa tatay ko. Kasi mahal na mahal nya ang kapatid ko, pano ba naman, para silang pinagbiyak na puwet! (joke lang) as in, buong pagkatao ng sanggol na lumabas talaga namang carbon copy ni papa! ...dun nako nakaramdam ng selos. Dun na rin nagsimulang magkaron ng tawagang daddy, at princess naman mula kay papa tawag sa kapatid ko... Oh, san ka pa naman diba!? iniisip ko bakit siya daddy? ako papa? ah, baka kze straight gatas ang formula na nya? or baka naman nakakakain siya ng mga gerber products? oh dahil ang cute cute nya talaga? ewan ko, di ko na nasagot ang tanong na yun.

..kapag ngapala pinapagalitan ako ni papa, di nya ko actually pinapalo, tinatakot lang ako ng sinturon, deadma lang ako, di naman tinutuloy eh. Pero pinapaluhod ako na nakadipa ang dalawang kamay at pinapaharap sa aming altar at pinag-rerecite ng Our Father. oh,iba di ba?!
minsan lang akong pinaluhod sa asin (oo, asin na maalat) hinagis ko ang hotdog dahil ayaw kong kumain, ayun, ginatungan ni mama na panahon na para paluhirin ako sa asin. (naku,tirador ng pagka-torture ang nanay ko!) at si Papa na nagpa-uto sa mahal nyang asawa, ayun sumunod. Di ko na matandaan mga pangaral nila basta alam ko puchang kasakit lumuhod sa asin at umiyak na lang ako ng umiyak.. effective ang drama ko, si papa din ang unang aamo, bibigyan ako ng twalya para pamahid ng luha at umpisa na ng heart to heart talk...(pinaka-favorite kong part) kze dun nako magpapaawa! hehehe... lagi kong drama na mas mahal nya ang kapatid ko kesa sakin kaya ako pasaway...na mas favorite nya yun kaya ako lang pinapagalitan nya...pero actually, alam ko sa sarili ko mali ako talaga, paawa effect lang.

..si papa din na nagagalit kapag may notebook akong artista ang cover. Yamot din sa mga pinoy seatcom lalo na ang Palibhasa Lalake. Allowed lang ako manood ng Mission Impossible, Mc Gyver, Picket Fences at Rescue 911, para din daw sakin un at maging matatas mag-english. Gawdeymet! eto hanggang ngaun, di pa rin ako bihasa!
Na nagugud-night din sa amin magkapatid at nagkikiss ang tatay ko. nanay ko? ayun, di deadma lang,di kaze cia showy eh.. ;)

..tapos nung maghigh-school ako, aware ako na mahihirapan sila mapag-aral ako sa isang private school, kaya kahit gusto ko, never kong iginiit... pero si papa, na super believe sa katalinuhan ng panganay nya, aba, go ako sa isang private school. at talagang ipon at racket to the max para tuwing tuition eh full payment--katwiran nya-- para daw isang bigla na lang ang bayaran at di na mamumrublema pagdating ng bayaran time -- at tama nga, never akong nakaranas ng promisorry note!

..pero nung malapit na kong mag-college, medyo napagisip-isip na nya na baka di na nya kayanin ang expenses, kaya nag-desisyon siya--desisyon na nakapagpabago ng buhay naming pamilya -- Nag-ABROAD si Papa! oo, nag-seaman cia. Pero hindi biro ang diranas nya bago cia makasakay...matagal tagal din ciang naghanap ng agency... Eh talagang malakas din ang tatay ko sa Taas, ikaw ba naman, panay panayin ka sa dasal, at lahat ng simbahan talagang ritual na binibisita! ayun, nakasakay din cia sa isang luxury cruise...

..at dun na kahit paano nakaranas kame ng konting kaginhawahan, nakapagpatayo si papa ng maliit na bahay, ng lumaon ay nakabili kahit 2nd hand na kotse, nakapag-pagawa ng apartment paupahan, binigay ang lahat ng pangangailangan naming magkapatid (kasama na ibang luho) napagtapos ako sa Kolehiyo--isa sa pina-proud achievement daw nya yun, ang mapagtapos ako-- ako? bilang ganti, kahit di na ako nagka-honor eh tinapos ko ang degree ko within 4 years ng wala silang sakit ng ulo. ;) at ngayon, kasalukuyang nasa 3rd year College na din ang prinsesa nya... konting tiis na lang at 2 na ang greatest achievement nya.

..ang tatay ko din ang tipo ng magulang na never nag-expect from me after i graduated, oo friend, isa ako sa mga nakapagtapos na hindi halos nakatulong sa magulang... nakapagtrabaho naman ako kaagad, kaso parang pati sakin kulang ang sweldo ko kaya konting groceries lang ang naiaambag ko, pero wala akong narinig mula sa tatay ko na kahit na ano...

..between him and mama, si papa ang mas nakakausap ko lalo na kapag may problema ako at lalo na kapag nag-aaway kame ni mama. Demokratiko ang pagpapalaki samin ni papa, kung may dahilan ka, ikatwiran mo! sa tamang oras at panahon. Makwento din si papa, gustong gusto ko ang mga kwento nya tungkol sa pagkabata nya..madami ciang experience na sobrang nakakatawa at nakakapulutan ng aral.

..hanggang last year, nagpakasal na ako... si papa? akala namin magagalit o pipigilan ako... pero hindi... nagkamali ako ng inisip sa kanya... ng malaman nya, pumayag siya at sinabing nasa tamang edad na rin naman daw ako, at maayos ang mapapangasawa ko, duon din naman daw pupunta ang lahat... gusto na rin naman daw nya ng apo. wala akong naisagot kundi iyak at hikbi...

..si papa na naghatid sakin sa altar (kasama siempre si madir, naku di nagtampo un pag hindi) sa lalaking makakasama ko habang buhay.. Iyak na ako ng iyak nuon... bago nga ako ikasal, ilang gabing iyakan lang kame ng iyakan ng tatay ko, duon ko talagang napatunayan na walang paborito sa aming magkapatid si papa, Mahal na mahal ako ng tatay ko...alam ko dahil ramdam na ramdam ko... lahat ng magagandang pangaral at suporta nakuha ko galing sa kanya.

..lalo na ngayon, nalaman nyang magiging lolo na cia! aba, talagang tuwang tuwa ang tatay ko..sana daw boy kaze pareho na kameng babae na anak nya, sabik na daw kze ciang magkarga ng baby...lagi na lang kze sila hiram sa kapitbahay ni mama! ;)

..kaya ang promise ko sa sarili ko, either boy or girl ang magiging baby namin, kelangan merong REI sa name nya, gratitude ang meaning at name din ng tatay ko! (sipsip ba?!)

..pero like every other ordinary fathers, meron din downside ang tatay ko, he'd been to hell and back din naman before (on his younger years) sabi nga ni mama, malakas uminom si papa, yosi at ma-chicks... but then, he changed, not only for himself but for us..his family.
There were also times, he and mama would fight, big time, and i had to go with my mama (maglayas ba!) pero papa will always make sundo kame... at happy family na ulet ang drama! ;)

..ang haba na pala ng entry ko, pero who cares? maikli pa nga to eh, sobrang mahal na mahal at talagang proud ako sa tatay ko kaya ko nagawa to...

..uuwi nga pala siya sa August, by then, mga 4 mos. na ang tiyan ko...panigurado, one proud lolo-to-be si papa! mas ipapamper ako nun panigurado!

..hay, missed my papa terribly, writting this brought me tears.. sa kanya ko nga ata nakuha pagiging iyakin ko eh!

..kung mababasa mo lang to papa, i bet maiiyak ka din! di mo lang alam how thankful i am to be your daughter... kahit di ako princess! hehehe...

..I love you Papa! Happy Father's Day!!!!
















6 comments:

idealpinkrose said...

haayy~ natapos ko rin....hahaha...joke lang...para lang tumawa ka, buntis ka pa naman baka mapaglihian mo pa ako...haha...

pareho tayo, ang dami ko ring gustong sabihin doon sa blog ko about my father...kaya lang iniisip ko pa lang ay napapaiyak na ako...

touch din ako habang binabasa ko ang blog mo specially sa part ng ikasal ka...

ang dami ko pang gustong sabihin, pero napahaba na rin itong comment ko...haha...

take care na lang!

celiaK said...

Your papa is indeed one hero of the family man. Tulad ng karamihan ng mga tatay malaki talaga ang sakripisyo nila sa atin na mga anak. Kaya Happy Father's Day sa kanilang lahat.

ingats ka Kathy sa pagbubuntis. May pinaglilihian ka ba?

kathy said...

pinkyloo! u never fail to make me laugh! ako dn naman 2wang 2wa sa mga post mo eh.. diba, bakit pagdating sa parents nagiging emotional taung mga anak noh? oi,weekend na..ano ba gimik mo?


ate celia!!! kabayan! ano na,kala ko di kana mapadpad dto eh... naku ate, donuts at kung ano anong mga pagkain,pero hindi naman tipong mahihirap hanapin! ;)
tama ka, malaki ang sakripisyo ng mga tatay sa mga anak na lumaking tulad natin! ;)

vina said...

happy fathers' day to your dad and advance happy fathers' day to your hubby!

annabanana said...

paniyak, proud lolo din yan! happy father's day to your papa!

vemsan said...

happy father's day sayong darling at padires...;)