Monday, June 12, 2006

weekend lafang

indeed 'twas a very long weekend...

howell, wala naman ako masyadong nagawa/ginawa for the past 3 days.
i wasn't able to attend my SIL's Bridal Shower. it's not that i don't wanna, kaya lang sumama ang pakiramdam ko talaga, nahilo ako tsaka nag-throw up... pregnancy thingy...
pero si bossing, cia ang umattend ng Stag Party ng bayaw-to-be nya... typical all male bonding with the machismo effect galore with nag-uumapaw na beer-all-you-can... mawawala ba ang sexy-dancing-girlaloo?! naku, let's just leave this story here...

oo nga pala, dumating last sunday morning ang ninong namin ni bossing sa kasal fresh from bohol, at eto, dinalan ako ng makakain... sarap ng choco-nuts! parang peanut kisses choco flavored lang... sarap maging buntis... hehehe





bumili din ako ng mga pants for office kze medyo nagsisikipan na ang mga slacks ko...;) kaya lang, supposedly sa maternity section na ko bibili, pero jusme! nanikip ang dibdib ko! natakot ako sa mga garterized na mga pants na ang lalaki!!! kaya fly na lang ako sa mga large at x-large na mga regular office pants at duon ako nag-buy! ehhehehe...
at eto naman ang nilafang namin ni bossing... meryenda yan ha! anufah eh di tamang kain na ang lola nyo! ;)
eto na, last week, tinakam ako ni annabanana ng kanyang peaches n banana in creme, kaya ang inggeterang ako ay gumawa din ng version ko... peaches and banana with jelly in creme... ;)
nagustuhan ni bosing (first time ko ciang nakitang lumafang ng salad ng marami!) feeling ko talaga hindi ako ang naglilihi eh... hmmm... pero ang sarap talaga! gusto mo?!

pregnancy

5 comments:

mai said...

ako gusto ko..penge! :D

genpot said...

wow mukhang ang sarap nga ha.... pwede penge ng how to paggawa??? pls pls pls pretty pls? eto po ang email ko murrielgen@yahoo.ca o kaya miski i post mo sa blog mo... araw araw ko namang binibisita na blog mo... thanks!

idealpinkrose said...

pahingi lahat....hehehe...lalo na yong naka plato...waaahhh...tulo laway ako...saan kaya ako makakahanap ng ganyan?

annabanana said...

buntis!
langya ako naman ang tinakam mo ah! gumaganti ka? hmmm, ang tsarap naman nung barbecue na yun..with matching itlog na maalat pa! :D

kathy said...

hi mai!!! musta ang antukin?! ;)

genpot! oo, send ko sau...binigay din sakin yan ni annabanana eh.... ;)

pinkyloo!!
mag-marinade kana lang jan, tapos ihaw mo, tignan natin at maraming maiinganyo sa amoy ng ihaw galore natin! ;)

annapots!
ayan, kala ko limot mo na ko... pagod ba sa cheering with tildy?! ;)
naku, thankful ako sa dessert recipe mo! at si bossing eh nasarapan talaga! feeling ko may magba-bb-q sa korea... ;)