Monday, June 05, 2006

Wanting Go Nuts Donuts!

alam ko na kung ano siguro pinaglilihihan ko! GO NUTS DONUTS! , naalala ko nung time na nag Mall of Asia kame ni Amiel tapos almost 1 hour namin nilibot kahahanap ng stall ng Go Nuts, tapos ng makita namin finally eh i have to make pila sa loob ng isa pang oras! na talaga namang kina-badtrip ni Bosing at sabay sumpa sa Donuts na yun kahit na aminado ciang masarap! (well, male ego. hmp!)

..so ayun nga, di ko naman alam na jontis na pala ang lola nyo at mega kain ako ng Amazing Glaze, bale sa 12pcs na yun, 11 ang nakain ko, at yung isa ay binigay ko kay lovemela, habang on our way kame papasok sa work (nakakahiya naman lumafang ako tapos diko bigyan yung friend ko diba!) ay nakain ko pala 10 1/2 kaze ung isang half binigay ko naman kay Paula! ;)

..what made me think na talagang yun na nga siguro pinaglilihihan ko ay noong habang nanonood ako ng PBB Grand Coronation Night, mga past 12 midnight, habang ni-ro-roll na ang credits ng show biglang lumitaw ang Logo ng Go Nuts Donuts, bigla ba namang pumintig ng malakas at mabilis ang puso ko! ;) Right there and then, alam ko gusto ko talaga lumafang noon!

..kaso di ko magawang magpaka-OA at pilitin ang asawa ko mag-fly sa Mall of Asia --ang pinakamalapit na tindahan ng Go Nuts Donuts, bukod sa Robinson's Ermita at sa Alabang o Greenhills! :O

..buti na lang, at tumawag ang aking soul sister na si Riyo-- at may i ask ano gusto ko kainin! Aba, pagkakataon ko na to! at sabi agad ang lola nyo ng GO NUTS DONUTS,AMAZING GLAZE!!!

..kaya naman kagabi pag-uwi namin ni Bosing galing sa mga nanay ko, andun at pinaiwan sa mga tita ni hubby ang isang box ng Go Nuts! yahoo!!!!

..lafang agad ang lolash nyo...

..eto habang tinatapos ko to ngayon ay kasalukuyang lafang-garcing ako...

Sarap!!! salamat Riyo! ;)

8 comments:

genpot said...

hahaha, masarap ba talaga yang donut na yan? baka yan ang parang Krispy Kreme dito??? ma try nga pag uwi namin dyan.... (kala mo malapit na, eh in Dec 2007 pa daw hahaha)

kathy said...

hi gen! oo masarap tlaga, tska kahit sang branch pila ang inaabot ng nabili! fresh from the oven kaze lagi..e diba nasanay ang pinoy sa mga fresh from d display donuts?! e eto,bago mainit init lagi! tska melts in your mouth ang dating! ;) wow,lapit na uwi nyo ha! hehehe

idealpinkrose said...

ikaw tita ha? weakness ko rin ang donuts...makahanap nga ng amazing glaze mamaya...sana meron dito...meron kaya sa dunkin donuts? wala naman kasing go nuts donuts dito...ay! tita di kaya ako nahawa sa pagbubuntis mo...ngeeekk! hehehe...

kathy said...

hi pinkyloo!!! ;) pareho tau donut/bread person! ehehehe... oo masarap talaga..sna makahanap ka jan! hala, baka buntis kana din sis! ;0

Ate Sienna said...

ngekkk.. saan napunta ang comment ko? sabi ko pa naman, congrats to you and hubby sa inyong coming baby! anyways.. ingat ka lang lagi. stay healthy... your baby will need you to be happy and healthy all the time :)

kathy said...

hi ate sienna!!! salamat po!!! ;) oo nga happy always ang mudra kaya minsan napagkakamalang praning-garcing! nyehehehe...

VemSan said...

di pa ako nakakatimik ng go nuts donuts! hehehe

kathy said...

vemsanpots, kapag nakatikim ay for sure di mo na kikilalanin ang dunkin at mister donuts ng pinas at mga bagels ng amerika! ehehehe..