Sunday, June 04, 2006

Buntis 101 weekend

...5 weeks and 3 days ang kasalukuyang bilang ng aking pag-dadalang-tao sa picture na yan.


...salamat sa lahat ng messages at goodluck comments... ;)

...eto ako ngayon, well, normal pa din ang pakiramdam, wala pa ang inaasang morning sickness at ka-hiluhan tuwing umaga... pwera na nga lang ang pagiging antukin to the nth power (dati ng antukin eh) tska sabi nila may pagka-masungit lang (um, eh dati na rin naman akong bitch) ;)

...feeling ko si amiel ang naglilihi! hehehe.. di ko kze sinasadyang malaktawan siya nung nakaraang araw habang tulog siya, so akala ko balewala lang yun, eh sabi ng mga matatanda (at mga di-naman katandaan na marami lang alam) eh wag daw lalaktawan ang asawa dahil yun daw ang maglilihi..which i find so weird, sa paglaktaw?! hello?!

...pero parang totoo nga, kze si Dear Amiel (baklang bakla nanaman ako) laging sleepy head, na napaka-unhim. tapos kain ng kain ng mga chips. then kagabi habang nanonood ako ng tv, aba, biglang umalis at pumunta ng 711--akalain mong bumili ng cornetto at sabihing akin daw yun eh di naman nagpapabili sa kanya, so nilagay ko sa fridge, aba, tampo ang drama at ayaw ko daw ng bili nya, un pala, cia ang may gusto , kaya sabi ko - kainin mo na at di ko trip kumain, ayun, lafang ang mokong! ;) sinusubuan ako ng pilit, kaya kahit ayoko at matigil lang sa kulet niya eh kumain na din ako! . di rin daw cia makatulog agad pero antok na antok cia... hehehe..so nauna na ko matulog.

...kanina naman habang nag-da-drive cia pahatid sakin sa work, bigla ciang naduduwal, nahihilo daw at parang gusto sumuka! ;)

...ayun, galit na galit ngayon ang mokong sakin at kanda txt na dahil nagsumbong sa mga nanay-nanayan niya! ... para daw mawala yun eh dapat paliguan ko cia! patay tayo dyan!

***
kahapon din pala tumawag ang MIL ko, meron daw cia ibibigay samin, all the while i thought bagay or food, tapos un pala Katulong/Kasambahay! sus, san ko naman isusuksok ang taong yun sa bahay namin?! wala na ciang paglulugaran at malulugi lang si MIL sa bayad sa kanya dahil halos wala ciang gagawin... para daw un sa paghahanda ng magiging yaya ng baby namin.patay nanaman tayo dyan! ;) eh sabi namin ni Amiel, hindi pa ngayon, kung mangangailangan man kame siguro kapag talagang di ko na kaya, tsaka ano ginagawa ng aking madir?! hehehe... sabi ko na dati pa eh, swerte ng anakis ko daming magmamahal!

3 comments:

vemsan said...

hahhah sana ako rin in the future.. asawa ko ang maglihi hindi ako.. tiyak ansaya noon kasi pagtatawananan ko sya.. hehehe

mai said...

haha! para enjoy so far ang pagbubuntis ni misis ah! kasi si mister naman ang wawa muna hehe! eh kung siya na rin kaya manganak sis?

kathy said...

vemsan and mai! salamat sa pagdalaw... oo so far enjoy ko pagbubuntis...sana nga wag ako dalawin ng kaartehan sa paglilihi! baka mapikon na si Bossing! hehehe