Tuesday, May 15, 2007

Sana...

election 2007-- ito ang unang pagkakataong habang bumuto ako ay nagdarasal ako. kahapon maaga kameng gumising ni mama para makaboto agad, ayaw namin ng siksikan at dahil expected na ang sobrang init na panahon kaya kailangang maaga ka talaga para di ka na abutin ng pila. Magkaiba ang mga eskwelahang pinagbotohan namin ni bosing dahil hindi parehong updated ang aming rehistro, single pa din ang status namin...di namin nabalitaang nagkaron ng rehistruhan noong nakaraan, eniwey, valid pa din naman. Mas maaga si bosing umalis dahil medyo mas malayo ang pagbobotohan nya at isa pa, gagamitin nya ang pagkakataong makausap ang mga kakilala nya para wag kalimutang isama sa listahan sa pagka-konsehal ang aming ninong/tiyuhin (ni bosing) at ang isa pang tiyuhin nya. hindi naman pangangampanya, kung pwede lang naman. hehehe.. di mo na naitatanong, ang inconvent mayor ng lugar namin ay tiyuhin din ni bosing..since tapos na ang termino nya, sa pagka-bokal na cia tumakbo.ang anak naman nya na pinsanin ni bosing ang tumakbong bise-mayor ...so ayun, mukha bang mahilig sa pulitika ang pamilya ng asawa ko? :) bdw, isa yan sa pangarap ko..maging pulitiko..pero mukhang malabo...baka ang anak ko na lang! ;)
libreng sakay (jeep o tricyle) ang nakatambad paglabas namin ng bahay (mga binayaran ng mga kandidato)... although malapit lang ang eskwelahang pagbobotohan at pwedeng lakarin ay sumakay na din kame ni mama sa isang tricycle na bayad ng isang kandidato, sumakay kame no-strings-attached. di mabibili ng libreng sakay ang boto ko! hehehe... pagdating namin sa lugar ng botohan, ay nagkalat pa din ang mga taong namimigay ng mga sample ballot (kahit bawal) tsk,tsk,tsk...pinoy talaga! di mo naman masisi dahil sa pagkakaalam ko P200 din ang bayad sa kanila. Doon ko natuklasan kung gaano kadumi ang pulitika lalo na sa lugar namin! nilaglag ng kandidatong mayor ang bise-mayor at ibang mga konsehal! nilaglag ng isang partido ang ibang mga ka-ticket etc, etc, etc. Nakakayamot! pero sabi nga nila, talagang madumi.bastusan sa iba.
Noong oras na iyon habang hinahanap ko ang pangalan ko sa listahan ng mga botante, dun lalo akong nag-isip. Kung ngayon pa lang ganyan na ang mga ugali ng mga iluluklok natin pano pa kaya kung sila na ang nakaupo? isipin pa kaya nila ang mga nasasakupan nila? o tulad din ng iba na uumpisahan na ang pagkaman ng yaman ng bayan? Pero kahit nagngingitngit ako, bumoto pa din ako, hanggang sa huling oras pinag-aralan ko kung dapat o hindi iboto ang mga kandidatong nakalista sa ballot secrecy folder. Eto ang unang pagboto ko na nagdarasal ako, pinagdarasal ko na sana ang lahat ng mananalo sa eleksyon na ito ay ang mga taong talagang karapat dapat.mga taong may konti pang dangal at pagmamalasakit sa bayan.na hindi iisipin ang sariling kapakanan at magpayaman lang.na sana wag magaya ang mga matitino sa mga trapong patuloy pa ding nakakadenggoy ng mga kapwa pinoy at patuloy pa din binoboto.na sana kahit paana mabasawan ng kahit kaunti mga kautangan ng bansa natin para naman makatikim tayo ng maayos ayos na buhay at mabigyan ng pagkakataon ang mga naghuhumirap pang mga kapatid natin na halos nilubugan na ng pag-asa.
Para sa mga anak natin na sana magkaron sila ng bansang kalalakihan na hindi sila kailangang ipagtulakang mangibang bansa para lang makalasap ng maayos na buhay. tama na tayo na lang ang makaranas non.
Hanggang sa ngayon nagbibilangan pa din, mga magkakalaban sa pwesto kanya kanyang raketan pano sila makakalamang.nawa maging alisto lahat ng mga taong nakabantay sa lahat ng mga boto para hindi ang mala-demonyo nilang plano eh maisagawa nila.
Hanggang sa susunod na post... kaya nga ba siguro hindi ako pinalad na makapasok sa UP eh, siguradong isa ko sa mga estudyanteng makikirally maipaglaban lang ang pantay na karapatan ng taong bayan. gayun pa man, atleast sa post na toh, mailabas ko lahat ng salaubin ko at ang pangarap kong pagbabago para sa Pilipinas.



1 comments:

YETTE said...

i applaud you, mommy kathy! many people would turn a blind eye to such things... maybe it's time that everyone pay attention to the things that are "pinoy nga" but could bring the country down.

nice post! =D


PS. hindi ako bumoto. hindi kasi ako registered e. hehehe...