Tuesday, January 16, 2007

Dyahe

yep! i'm still here at hindi pa din nangingitlog! :( i'm on my 38th week na, going 39 na this friday... visited my ob last saturday and said na mukang matagal pa ko bago pa lumabas si baby, first dahil wala pa kong symptoms or whatsoever like palagiang experience of braxton hicks, meron man pero di ganon kadalas... isa pa ang taas pa daw ng tummy ko... i also had another ultrasound for checking ng size ni baby...kung patuloy pa din ang paglaki... since i'm on a strict diet (naks, strict daw! hehehe) as in super konting rice at wala na talagang masyadong sweets, ok naman ang weight at size ni baby..pero just to make sure she then recommend me to have a pelvimetry x-ray... so ayun...fast forward... sobrang dyahe pala yang pelvimetry x-ray na yan! pucha i was literally on my undies lang at pinabuyangyang ang aking mga legs! as in. the technician pa that time was a man. omg! di ko lam gagawin ko, good thing Amiel was with me, so he accompany me hanggang loob ng x-ray room... then the x-ray tech told me to remove na my pants and lie down sa metal-kama that the room has... i, not knowing what to do next ask for a hospital gown or anything that can cover my under thingy... but he said "no need, your x-ray will be done having nothing to cover but your underwear" hala! wtf! as in ganun ba talaga yun? wala ko nagawa kundi tumingin kay Amiel at cia din mismo, walang nagawa...napatango na lang cia... howell, its their job, and they are paid to do that... pero grabe hindi ako makahinga hanggang matapos ang procedure... patingin tingin lang ako sa asawa ko na wala ding magawa! ;)
nakaka-ilang pala ang position ng pelvimetry x-ray... para kong palaka on my back... tapos medyo matagal pa kze kelangan tama ang position para di magpasala sala ng take... meron ding sideways position, nagulat na din lang ako ng merong metal-something na parang dinikit sa pwet ko! nakanang lamig! jusme, kung alam ko lang na ganun yun.... wala din, wala din naman akong magagawa eh... ehehhee... pinapabalik na lang kame kinabukasan for the result, tapos dadalin naman namin sa ob ko...
fast forward ulet.... nakuha na ni Amiel yung result kani-kanina lang, marami daw nakasulat na mga medical terms pero what he understands eh meron daw remarks na ADEQUATE PELVIS. hmmm... does it mean ok ang result at talagang Normal ang delivery ko?! sana... dahil talagang ayong ma-CS.

more updates: natutuwa lang ako sa nanay ko... i mean, di man nya sabihin directly na excited na cia sa kanyang apo, pero kitang kita mo sa mga ginagawa nya... since sa house ng parents ko kame didirecho right after kong manganak at habang on-leave ako sa work eh panay palinis na ang lola-to-be! at dahil hindi pa ako makakapanik panaog sa hagdan kaya sa tv room lang muna kame ni baby magstay...tska isa pa, maraming magsisipag-dalaw kay baby para di na nga naman papanik pa sa taas.. pinalipat ang tv out of the tv room, kaya di na cia tv room.duh. hehehe...baka daw ikabinat ko eh. dinala na din ni Amiel ang single bed borrowed from my MIL para dun muna ko matutulog...si dear husband ko? sa matress lang muna cia..si baby? were still thinking if it is advisable na sa crib siya or sa tabi ko na muna for the meantime eh... hmmm...
mamaya naman susunduin ako ng mag-byenan at pupunta kame ng sm... gala nanaman! ;) um, tatapusin ko na lang mga final bilihin ko like storage rack, waist binder/girdle, soap case at kung ano ano pang mga anik anik. ;)

o cia pano... alis na ko... anjan na sundo ko...


2 comments:

ann santos said...

maglakad-lakad ka na everyday para bumaba na si baby. kausapin mo si baby na sana lumabas na sya. sana makinig sya sa yo. si dwyn kasi ayaw pa lumabas, ayun cs tuloy ako.

kathy said...

hi ann!
oo nga eh, panay lakad na namin ni amiel pero mukhang ang taas pa din ng tyan ko... sana nga makinig cia sakin, kaka-excite lalo habang inaantay ko na makita cia! ;)