Tuesday, January 09, 2007

kwento lang

maikwento ko lang...

kahapon ang Feast Day ng Black Nazarene
grabe ang dami ng taong nakisama sa pagprusisyon ng imahe, 400 years na ng poong Nazareno mula ng dinala siya dito galing Mexico. halos lahat ng free channel every hour or so merong updates at live telecast sa prusisyon from Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church, at dahil hindi ako pumasok sa trabaho kaya naman naantabayanan ko... naaalala ko tuloy ang tatay ko at naisip na kung nagkataong andito siya sa pinas panigurado pupunta yun dun sa Quiapo, nasabi ko na sa mga previous entries ko dati na isang relihiyosong tao ang tatay ko at deboto din siya ng Poong Nazareno, taon taon meron ciang natatanggap na newsletter at calendar dahil regular siyang nagpapamisa doon.
Mga bandang alas-2 ng hapon, biglang tumawag ang tatay ko... nasa may bandang Mexico ata ang barko nila ng mga oras na yun, alas-2 naman ng madaling araw sa oras nila, wala naman ciang intensyong tumawag talaga sakin dahil alam nya na nasa trabaho ako pero di daw nya napigilan dahil kelangan daw nyang ikwento na pinagparamdaman cia ng Senor Nazareno... eto ang senaryo: mga bandang 9pm daw, habang naglilinis siya ng isang kabina, at nagpupunas ng tv bigla daw nyang di sinasadyang napindot ang power ng tv at lumutang ang imahe ng Black Nazarene! CNN ang channel ang newscaster nina-narrate na kasalukuyan nga daw na cinecelebrate ang feast ng Nazarene... diba weird?! of all channel, of all issues and events na pwedeng i-feature sa sandaling oras na yun kung bakit ang mismong Senor pa ang nakita nya... ayun kinilabutan na si papa... nagparamdam daw sa kanya dahil baka hindi nya naalala... kaya ayun, tawag agad pagkatapos ng trabaho nya at kinwento sakin ang nangyari... at eto naman ako, kwento ko din syempre!

***
preggy updates:

umpisa na ngayong araw ang aking waiting period ng aking panganganak... pero mukang matagal pa dahil mataas pa daw ang aking tyan... :)
kagabi naglakad nanaman kame ni Amiel, mga 30minute walk din yun at malayo layo... mamaya ulet ibang destinasyon naman! :)


3 comments:

kiwipinay said...

kathycot! ano ne? nanganak ka na? pengeng isa ha?

Aggie said...

Naku pahamak ung Nazareno procession, naglakad ako pauwi nyan!

kathy said...

kiwipots!
hindi pa... eto bondat pa din ako! :) baka mga next week pa to... mataas pa daw ang tyan ko eh! oo nga, dami ng nagfofollowup, ano ba sau batik o puti? reserved na mga all black eh!hahahaha!!!

aggie!
oo tama ka, yung pinsan ko nga muntikan ng malasog lasog ang katawan bago nakauwi eh! hehehehe...