Sunday, December 24, 2006

Christmas party kwento

as said earlier, Company Christmas Party namin noong Dec.22 sa Traders Hotel.. la masyadong kwento kundi ang pagiging ka-bwiset namin mag-ina noong araw na iyon, ka bwiset bakit kamo? kze halos isumpa kame ng mga kasabay namin sa van na mga ka-opisina ko dahil super late kame ni mama dumating! pero teka lang...lemme tell you the story... malay ba naman naming maiipit kame sa lenchak na trapik na yan na tipong mahigit kalahating oras di pa rin kame nausad! di naman namin maiwan kung saan ang sasakyan at dahil ako din ang nagmamaneho wala kameng choice kundi antayin ang pag-go ng mga hinayupak na mga traffic aid! buwiset talaga kung pwede lang mamatay sa kakamura ko ang mga walang silbeng traffic enforcers na di ko malaman ano mga trip at ang kabilang way lang ang patuloy na pinapa-go at kame ginawa kameng buro sa daan! kaya naman dumating kame 1 oras makalipas ang assemble time. at ang mga ibang van ay nagsialisan na... eto pa isa pang pasaway... yung mismong driver ng van na naka-assign sa group namin. feeling ko close relative nya si pong pagong sa bagal! biruin mo alam ng nagmamadali na kame aba at talaga namang may-i-take-my-time-driving ang ginawa ng hayuf! at tamang stroll pa ang dating! arrrggghhh... kaya ayun, late kameng dumating sa venue..buti na lang 7pm pala ang totoong start ng program at nilinlang din kameng lahat para walang ma late... hay.

ang party? ok naman... pa games lang naman ang inatupag ko, siyempre ang makabagong pulboron eating contest, piso sa arina, calamansi relay at trip to jerusalem ang mga pagames ko! ;) ano, pahihirapan ko pa ba sarili ko mag-isip?! hehhee..
sa 80's mania contest naman nanalo ang grupo nila michael jackson, stevie wonder at tina turner!

ang food? masarap ang food kaso di kasing dami ng nakaraang party sa hyatt at century park...o dahil mas malakas na ko kumain ngayon kaya bitin ako sa putahe?! hahaha!

si mama? ayun enjoy na enjoy sa mga kalokohan ng mga katrabaho ko sa kanilang mga presentation! last year kze si papa ang kasama ko... tapos yung first christmas party ko dito sa company si amiel naman ang sinama ko.

eto nga pala ang mga kapicturang nangyari ng gabing iyon...


si pau (ang host ng party at nag-ala tina turner), si may, si love (na nagpakita ng flesh) at ako na kasalukuyang 35 weeks ng buntis pero pinilit pa rin ang mag-bare back at mag-umemote! hehhee...

si friend pau --- future ninang ni baby!

siyempre, makakalampas ba ang malaking christmas tree ng isang hotel sa aming mag-ina?! picture picture!

ang nag-uumarteng buntis! muka ba kong buntis?! :0


isa pang kuha ng mag-kamukhang mother and daughter tandem na na-late!


with she...isa pang buntis ng company namin... 6 months siya... 8 months ako...


naman! lakasan ng loob at tibay ng sikmura ang laban! ahhahahahaha!!!!

0 comments: