Tuesday, December 19, 2006

4 days to go before christmas kwento and marami pang iba

4 days to go before christmas...

wala pa din akong masasabing totoong christmas gift para kay bosing ko :( bukod sa ilang t-shirts at isang pantalon at dvd copy (pirata lang) ng Prison Break Season 2. bukod sa mga yun, wala na. wala na kong maisip at wala na din akong pera! waaaahhhh!!! naglaho ng parang bula ang 13th month pay at eto, hingalo laloo na ang bonus ko.. at malayo layo pa din ang susunod na kaperahan... madami din kaze akong gastusing pinunan, mga pangregalo sa damakmak na dami na inaanak, officemates, at mga chikiting ng mga officemates. buti na nga lang nakapag-divisoria pa ko kahit ga-butete na ang tyan ko, kaya kahit pano nakatipid pa din.. ciempre ang familia-members-cast and crew naming mag-asawa! kelangan kahit mura aba! humahagupit ang dating ng mga gift-o! (ika nga ng aming hapon na manager)...

mga 3 days na din ang pagdating ng mga christmas gifts from my workmates.... tradisyon na kze yun dito sa company namin na kapag pasko palitan lang kayo ng gifts...kaya kung 13 kame, 12 ang marereceive mo..at 12 din ang bibigyan mo...
nauna na ang sales manager naming japones, picture frame na malaki, in fairness magandang buena mano! tapos noon, sunod sunod na, pouches, candles with holder, coffee mugs, turbans, at kung ano ano pang anik anik! ;) keepitcoming!!! ;)

bukas naman ang aming Company Christmas Party, sa Traders Hotel. oo tama ka, kulang na lang abutin kame ng a-beinte-singko ng desyembre sa sobrang late. kelangan kazeng hintayin ang presidenteng nagpakasal ng anak sa japan kaya mega-waiting ang drama namin... blessing in disguise na din ang pagkakatagal ng party dahil atleast nakumpleto ang 48 raffle gifts namin from the suppliers. oo, sinamantala na ang pagkakataon para maka-kulimbat ng mga regalo para lahat ng empleyado ay may makung prices minor man o major! sana makakuha naman ako this year ng major... alat kze ako sa mga ganyang raffle at kahit pa games eh... tignan natin ang sinasabing swerte ng buntis ngayong paskong ito!

at isfiking of party-- wala pa din akong pang ternong sapatos sa damit ko.. hectually, meron na kong damit october pa lang ay bumili na ako, kaso nagdalawang isip ako kze mukang masyadong pangcasual lang ata ang magiging attire ko...kaya... mega hanap ako ng ibang damit. at sa awa naman ni santa ay meron na kong nabili... maganda ang dress... ewan ko lang pag suot ko na... ang laki ko kaya! sus naman! bahala na si batman bukas. kanya kanyang trip na lang ang drama! hehehe...

kaya undertime ako ngayong araw... 4pm mag-out na ko at mag-mega-fly sa pinakamalapit na mall.. sa sm bacoor (we got it all for you!) ... mag-try akong humanap ng babagay na shoesan sa damit ko at kung may makita ding accesories..howell, lets see kung kakasya sa budget. ;)

at bibili na din ako ng exchange gift para sakin, yes, kaze naman ang nakabunot sakin nuknukan ng tamad kaya binigay na lang sakin ang cash! ay sus! ako na daw bahalang bumili ng wishlist kong regalo... eh bolster pillow lang naman na malambot! tutal daw may sasakyan kame eh ako na daw ang bumili at ng hindi pa bitbitin ang drama nya. hay... ok na din, bibili na din ako mamaya. yung sa nabunot ko naman ok na, kahapon ko pa nabalot ang librong kanyang wi-nish. aba, ang gusto ba naman ay libro ni john grisham! aba, at napakamahal kaya noon, kaya anonymously binigyan ko cia ng lists of books to choose from na madali kong mabibili. ayun, ang napili ay Angels and Demons ni Dan Brown. inorder ko na lang sa National Bookstore online at kahapon dumating tangay ng fedex..

at ako din siempre bumili na din ng book... hindi para sakin.. para kay baby namin... it'll mark as her first book.. LOVE YOU FOREVER by Robert Munsch

..the book is about the unconditional love the mother has for his child.. sayang nga lang boy ang bida ng book, pero nevertheless, maganda ang message nakakaiyak nga kze from baby hanggang tumanda ang anak andun lagi yung mommy para sa anak nya tapos pagdating ng time ganun din ang ginawa ng anak nya sa sarili nyang baby...

..binasa ko na kahapon kay baby yung book, magiging favorite book namin toh mag-nanay...hanggang dumating yung time na kaya na nyang basahin toh....

2 comments:

idealpinkrose said...

uy tita, bumalik ka na pala...ang tagal ko ng di nakapasyal dito akala ko busy parin ang beauty mo...

ang ganda naman ng book na yan...sana lahat ng mother ay may ganyan....

Aggie said...

Hello Kathy,

You still havent received my email? Baka natatag sa spam email ko. Do you ha Yahoo account? Or maybe you can email me: agathaaviso AT yahoo :)

Aggie