Thursday, December 28, 2006

Christmas Kwento

first of all..

MERRY CHRISTMAS TO EVERYONE!!!!


sa totoo lang, sobrang nakakapanibago ang Christmas celebration ngayong taon na ito for me... since this is our first as husband and wife! ;)
and kadikit noon ang pagce-celebrate namin with my bosing's family... yep! first time in my whole life existence ang pagcelebrate ng christmas eve away from my own family... honestly, malungkot... in such a way na sobrang na-miss ko family ko especially my mom whom sobrang close ko.. and my only sister... minsan mare-realize mo na lang na meron ka pa rin palang regrets sa mga panahong pinalampas mo... dati, although magkakasama kame mas inuuna ko pa mga ka-textmates ko, mga katelebabad na friends habang inaantay ang 12 midnight. tapos noon,konting kainan, opening of gifts, kwentuhan, tulog na... sana pala mas hinabaan ko yung mga oras na yun, sana mas marami pa kameng kwentuhang ginawa, sana di na lang ako nagpapudpod ng daliri sa ka-te-text at kakadakdak sa phone, sana mas i-nembrace ko ang nanay at tatay ko at kapatid ko at sana mas pinaramdam ko sa kanila na sobrang mahal na mahal ko sila... hay, naiiyak na naman ako.
don't get me wrong ha, hindi ibig sabihing feeling sad ako nung christmas eve eh hindi ako nag-enjoy with my in-laws. masaya din ang celebration nila, in fact grand nga ang magagamit na term eh, complete with all the foods and christmas stuff you'll find sa noche buena table.. another side of me actually is full of glee to see them happy celebrating christmas eve.. exchanging of gifts were present, kwentuhan and having fun with the kids...especially myk na sobrang bibo!
sila mama at jonah, well, magkakatext naman kame and magkakausap sa phone before we went sa house ng mga in-laws ko, good thing na din andun ang pinsan kong si rj..kaya masaya na din sila..
mga 1am umuwi na din kame ni bosing sa house namin and did call his lola sa states... sakto christmas eve na din doon, morning nga lang... chit chat for 30 mins or so... (salamat sa bugdget card! hehehe)..ayun si bosing nakaramdam ng lungkot ng mamiss ang favorite nyang lola at lolo at tsong!
christmas morning... wala, tulog pala kame hanggang 2pm! hehehe... pero pagkagising namin, fly na kame sa house ng mga parents ko! yahoo! dinaan na din namin mga ibang gifts sa mga ibang inaanak. dun na kame nag dinner at ayun, pawi ang lungkot ko kze nakasama ko na sila mama! ;)
bukas...maaga kame ni bosing, mag-malling naman ang trip naming gawin... mukhang papipiliin na ko ng regalo! hahahaha!!! :)

Merry Christmas Ulet sa Lahat!!!!

0 comments: