Sunday, December 17, 2006

Wonderful World of Dolphins

.. kahapon, pasyal mode ang drama naming mag-asawa together with my MIL and pamangkin (with yaya).. pumasyal kame sa MOA to see the Wonderful World of Dolphins and Sea Lions... 11am slot show ang naabutan namin for the price of P400 each.. quite expensive sabi nga ni Amiel, lugi daw. :) pero para sakin, ok naman, kze first time ko lang makakita ng dolphins na sina Tutti and Fruity na nag-peperform at sea lions na sina Jelly and i-forgot-the-name-SL na may talents! kakatuwa kze dahil dami din nilang tricks, basta masaya, gustong gusto nila ng attention, at mas lalo silang ginaganahan pag malakas ang palakpakan... kaya naman si Myk super enjoy at kanda talon sa sobrang saya sa nakikita nya... sana lang medyo murahan ang pricing para yung mga ibang bata makapanood din...
below are the pics taken during the 11 to 12 show...

ayan kame, picture picture mode... si myk super saya at si MIL katabi si yaya.

si jelly ata 'tong isang to... pasikat effect ng balancing act

galing ng mga dolphins!





***
pregnancy update:

ay! buntis nga pala ako ano! lenchak na yan, sabi nga ng mga taong ever nakapaligid sakin kung di lang patuloy ang paglobo ko di mo sasabihing buntis ako! sa kulit ko ba naman kze, at ang pagkikilos parang hindi malaki ang tyan ko! minsan lang talaga ang bigat ng pakiramdam ko lalo na kapag nakahiga tapos kelangan kong tumayo, ay sus! 45 years ang waiting period.

pulikat: yan naman ang naging bestfriend ko mula 3rd month hanggang ngayon, halos everyday sumisigaw ako sa sakit ng binti ko sa lenchak na cramps na yan! swerte ko lang talaga kze madaling magising si Amiel kaya agad ciang nakakarespond sa sigaw ko. :)

heartburn: ayan naman isa pa to! talaga namang ang pangangasim ay forever na yata. minsan kelangan ko pang umabot sa pagsuka gawa ng di ko na cia ma-take.

shortness of breath: eto napapadalas naman, mukang nawiwili... gawa daw ng pagalaki ni baby kaya nasisiksik nya ang aking lungs galore! kaya madalas napapagalitan ako ni Amiel dahil lagi ako nakatihaya matulog, eh hindi na pala yun advisable dahil mas mahihirapan ako at si baby huminga... pinaka-best daw ay matulog sa left side... pero ok din sa kanan!

manas: ay...eto naman ang talagang thankful ako kaze di pa ko namamanas! ;) sana nga hanggang makapanganak ako wag na akong mamanas... jusme! ang laki ko na mamanasin pa ko! baka magmukang marshmallow-man na ko ng ghost busters! :)

3 comments:

andrea said...

hi kathy! hay naku, sinabi mo...ako ang problem ko manas. madalas at the end of the day medyo may manas na ko sa feet ko.. elephant feet na ko.hehe!

Aggie said...

Kathy, eto ba ung Aquatorium? Gusto ni Mato pumunta dyan! Maganda pala ha! Paano ba pumunta dyan? Sa MOA sya talaga or lagpas pa?

PS Natanggap mo ba email ko?

kathy said...

@andrea:
iba iba talaga ang epekto ng pagbubuntis noh!? ako pulikat talaga halos every night, hindi pa ko manas baka gawa rin ng lakad ako ng lakad sa work k0. ;) kaka-excite na noh sis!?


@aggie:
hi sis! :) yup, yan nga yung gawang aquatorium sa may left side cia ng MOA,tapat ng open parking. ay ma-eenjoy ni matthew jan! tapos below 2 yrs old free pa, kaya go din si martha cutie! ;)
ps:nope,haven't received any email sis..