Sunday, November 12, 2006

it's a Girl!

it's a GIRL!!!

yep.. according sa ultrasound sakin ng OB ko, we're having a baby girl!
actually I wasn't supposed to had a check up kaso the other night, sobrang sumakit ang tummy ko.. dunno kung bakit, di naman ako napoo-poo-poo, di rin naman heartburn, basta lang masakit na mahilab... i was awake the whole night kaze pinakikiramdam ko sarili ko, Amiel kept on asking me kung di ko na daw kaya dalin na nya ko hospital, but matigas na ulo that i am, sabi ko hindi kaya ko...baka gising lang si baby at trip nyang mag-play ng madaling araw! ;) pero what bothered me eh meron akong sudden watery discharge..definitely not urine, kze hindi naman ako naiiihi... tapos continious pa din yung sakit... di ko na matandaan til wat time ako gising...
that morning pumasok pa din ako, mabigat ang pakiramdam ng tyan ko.. parang babagsak, dapat lagi hawak ko...so nagdecide na ko na magpasundo kay Amiel para makadiretso sa OB ko... sinamahan na din kame ng sis in law ko (si bibsy)... so ayun, salang agad ako...ultrasound na... good thing hindi na naka-breech position si baby! kaya nakita na yung gender nya... kakatuwa pa kze may eksena pa si Amiel habang sinasabi ni Dra. na meron ciang nakikitang "guhit" aba, ang lolo ko, napataas ng dalawang kamay at napa- "yes! lalake anak ko!" nagkatinginan kame nila dra. at bibsy at nasabi na "amiel, hindi lawit, guhit! babae ang baby nyo" hehehee... tawanan na kame! as in up to the last minute pala tina-try nyang isaksak sa isip nya na boy ang baby namin... eh mula naman umpisa ramdam nya babae ang dinadala ko... kze ang landi ko magbuntis! hehehe ;)
so balik naman tayo sa pananakit ng tyan ko... probably daw kaya biglang sumakit eh pumwesto or umikot si baby at naging reason din malamang ng discharge ko... pero need kong mag-complete bed rest for 5 days while taking pampakapit at kelangang mamonitor ko kung magbabawas pa din ako ng tubig...
kaya, bakasyon grande ang lola nyo! ;) bakasyong walang gala... :(

1 comments:

sarubesan said...

aba congrats ate! meron ka nang mini-me..princesa..sarap bihisan kaya ang girl...hehehe