Thursday, November 02, 2006

buntis update and everything!

beep beep bee beep beep..

its been a while since i last blogged, parang once a month na lang... bigla kze ako tinamad for some reasons, andami ko namang chickas and all... andaming happenings chuva... umm, siguro isa na rin yun sa mga dahilan..tamad ako mag-isip, tamad na tamad! ;)

october ano mga nangyari?!

had my pre-natal check-up last oct.28... supposedly, malalaman na namin ang gender ng baby namin thru ultrasound...kaso mukhang pasaway na ang anak namin! biruin mo nakatalikod at nakatuwad ang bulinggit! meaning, naka-breech position siya sa ngayon... kaya puwet lang nya nakita namin! hehehe... sa nov. 18 ang sunod na balik ko sa ob, by that time sana magpakita na cia at nang magkaalaman na! ;) advice sakin ng ob ko,wag ko na palakihin masyado para makaikot pa talaga cia ng tuluyan, dahil kapag hindi, nakupo! patay tayo jan! tumataginting na presyo ang sasambulat samin kapag CS ang delivery ko! ;0

sabi nila suwerte daw ang suhi... basta sakin, basta binigay ni Lord yun ang blessing aka swerte mo! kesehodang una pwet o ulo! ;)


***last Oct.24 din pala dumating ang Lola ni Amiel (maternal) for vacation galing states , si mama as we call her na super bait. favorite lola ni hubby kaya favorite ko na din... kakatuwa ang pasalubong kay Amiel, racing jacket na pang motor... eto ang magandang kwento... bago dumating si mama mega-benta ng motor nya si amiel dahil magagalit ang mama dahil delikado ang pagmomotor! so ngayon, meron ciang jacket wla namang motor! isnt ironic>?! dont you think?! :0



***katapos lang ng Nov. 1, kaya tapos na din ang maghapong pagtutumambay sa mga sementeryo... first Undas ko to na 2 cementery ang pinuntahan, morning hanggang mid afternoon dun kame sa side nila Amiel, tapos nung hapon hanggang late ng gabi dun kame sa lolo ko..linchak na traffic naman ang inabot namin! kaya extra rice din ang kain ko! :0


***paalis naman bukas ang papa ko, pabalik na cia sa florida para mag-work ulet.... hay, wala cia dito sa christmas at new year... wla din sa time ng panganganak ko... by May pa cia makakabalik, so by the time na uwi nya dun na lang kame magpapabinyag... mami-miss namin si papa...
:(

0 comments: