recently, i realized na masarap din kasama or sa mas usong term 'ka-bonding' ang isang tao kapag you have the same frequency, may something in commong kayo sa buhay...
last saturday, after my work, which was a traumatic experience for me, imagine, 1 whole day ng seminar 'bout internal audit, plus the given workshop-eklat! isipin mo na lang, nakakatamad na subject, tapos ung speaker look-alike ni joe d' mango, at may sarcastism pang 200% sa katawan! OMG! yes, maghapon asar ang buhay ko. ayun nga, after ng makabagot-bagot na seminar, my friend Corinne,(wife ng friend ni Husband) picked me up sa office ko, supposedly, tatlo kame dapat nila Ichie mag-ge-girls bonding, kaso celeb ng birthday nya with the family, so dalawa kameng fly sa Nature's Way Aroma Therapy... we had the most pampering footspa, body massage and facial habang walang tigil ang kwentuhan namin! grabe, talked about our lives, as housewife, mommy for her, our husbands, daily living and all that stuff. Promise, masaya pala, kze its very seldom that we find someone who you can talk to about anything at anytime. Well, sabi nga namin, sana dati pa namin ginagawa yung bonding-moments with fellow misis. ;)
...nag-mamature na nga yata ako! ;) atleast meron na kong view sa totoong takbo ng buhay! and yeah, we ended our night with delicious sizzling steak dinner! ;)
***
sunday: finally!!! we were able to watch na DVC together with and Glen and my sister... review of the movie will be post on different entry. medyo mahaba eh, pero over-all maganda yung movie, ok yung casting, pero masasabi ko lang, mas advisable if you red the book first bago mo harapin ung wide screen, medyo maraming scenes na ma-wiwindang ka eh! like my sister, after the movie, kakulet na manghiram ng book para mas maintidihan daw nya! ;)
tapos after mangarag ang mga isip namin at mata, we decided to cool it off with ice cream!!! grabe sarap ng mint and chocolate ng fiorgelato!...
kaya eto... inatake ako ng migraine! di ako nakapasok ng monday!!! nakanang-lechak talaga!
**ayan kameng tatlo habang lafang ang aming mga ice-cream!
Tuesday, May 23, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
get well soon sis! sana ok ka na...alam mo na, bawal magkasakit..hehe...
Post a Comment