Friday, May 19, 2006

Pilgrims and Prayers

mayo nga pala ngayon, at take note, malapit ng matapos ang buwan... tsk,tsk, pero di pa rin ako,pati nanay ko nakaka-simba bisita sa Our Lady of Antipolo...
halos taon taon kze nakagawian na ng tatay ko dalin kame sa Antipolo lalo na kapag Mayo... kaso wala si papa ngayon, sa july pa ang uwi nya, sabi ko pa naman kahit wala si papa tutuloy namin ang pagsimba dun... deboto kze si papa sa Our Lady of Good Voyage, probably kze nakapag-abroad si papa way way back, at duon siya humingi ng gabay at nagdasal... actually, lahat yata halos ng simbahang may Patron deboto si papa, sa Baclaran na Our Lady of Perpetual Help, sa Quiapo ang Mahal na Sta. Cruz, St. Jude, Our Lady of Manaoag sa Pangasinan, ang Our Lady of Penafrancia sa Naga (dito nagsimula ang pagiging deboto ni papa kze bata pa lang siya batang-simbahan na, lumaki din sa lola nyang sagrado-katoliko).
...kaya eto ngayon, nagi-guilty ako kze parang di kame makakapunta ni mama sa Antipolo, napanaginipan ko pa kagabi, kaya lalong mabigat sakin. :(
...setting nasa simbahan daw ako, pero hindi simbahan ng Antipolo, luma eh, pero alam ko sa panaginip ko nasa Antipolo kame kasama din pamilya at mga ilang kaibigan ko... bumili pa nga daw kame ng suman, kasuy at sapin sapin...
...hay naku, sana magawan ko ng way para makapunta kame ni mama, meron na lang akong 1 week.
..pero teka, pano nga ba pumunta doon ng commute? basta tanda ko sakay MRT sa Buendia baba ng Cubao..lakad sa may Araneta Coliseum, tapos sa may side may paradahan ng FX diretso ng Antipolo Church. Pabalik naman, maeron atang Megamall dun para dina kame mapadpad ba sa ibang lugar. tapos bus na lang pabalik ng Cavite.
...hirap maging ignorante sa labas ng Cavite! hehehehe...
...sana din ma-grant yung dasal namin ni Amiel na makapag-Abroad...

0 comments: