Tuesday, May 22, 2007

kahapon

kahapon late ako sa opisina. shet. paano naman kze umulan. hindi sa galit ako sa ulan, in fact love ko ang ulan kesa sa araw. kaso kapag umuulan parang nauubos ang daan at nagkakanda-siksikan ang mga sasakyan sa kalye at nagiging what you call it?! oh, traffic! (a-la little mermaid ang tono ha..) oo tama ka, na-traffic ako kahapon. sobrang traffic. (andaming traffic!) ay ewan. pano naman kze putik ang mga tabing daan kung saan pwedeng magbaba ng mga sakay ang mga pampasaherong sasakyan. kaso gawa ng ulan at nagkanda putik na mga tabing daan ay napipilitan silang tumigil sa gitna ng kalsada at doon magbaba ng mga commuters. oh shet ulet. kaya ayun 7:01 ako nakapag-in. diba, isang minuto lang di pa pinagkaloob sakin?! hay buhay... minsan talaga pang-inis.

**
eto naman ang pangbalik lakas ko... si olin! pagkatapos ng trabaho ko kahapon dinala namin sya sa kanyang pedia for her monthly baby-well check up at para na rin sa kanyang second shot ng 6 in 1 vaccine.. nakakatuwa kze ang laki na nya ngaun, 5.2 kilos (11.44lbs) na cia ngayon eh nung pinanganak ko cia 2.8 kilos (6.3lbs) lang... :)
nakakatuwa ang bilis ng panahon... bukas makalawa maglalakad naman na ang anak ko... nakaka-lungkot lang kze maghapon di ko nakikita ang mga antics nya (630 am wala na kame sa bahay 'tas 630pm na ang uwi)... maloko na kze, marunong ng magtulug-tulugan pero pag binaba mo gising pala! at kung anu-ano pa ;) puro sa kwento lang ni yaya at mama ko nalalaman :(
*ayan kame magina kahapon papunta sa kanyang pedia.. suot ko pa ang aking polo-jacket uniform at mukang engot na smile. hehehe...



5 comments:

kRisTiNe said...

Olin looks so happy to see her mommy. Talaga nga namang ang bilis ng developments ng babies. This week they're doing this, next week ibang gimik naman!

auee said...

cool ka lang hehe Alam mo ba dito din pag umuulan ang traffic at ang hirap kumuha ng cab.

Cute naman ni Olin he looks so content. All working moms I'm sure can relate to your feelings about missing your kid's antics. Turuan mo mama mo mag-video para at least may replay ka.
:-)

kathy said...

hi kristine!
naku sinabi mo!;) buti na nga lang nung nag-roll over cia eh present ako kaya sobrang happy! sana pag umupo na din cia at naglakad makita ko! ;)

kathy said...

hi auee!
ay grabe talaga ang traffic no, un ang isa talaga sa kinkabadtrip ko,araw araw naman di ako masanay! hehehe..
ay naku sis, malabo atang magvideo si madir..cia yung tipo na ayaw i-adopt ang mga teknolohiyang present..mapapagod lang daw cia.. hehehe..si yaya na lang maturuan! :)
hehehe

Darlene said...

You look so proud mommy!Which every mommy feels the same way.When i first saw my baby rolled over he was 3 months old.He started crawling when he turned 5 months.Being mommy is really unexplainable feelings,isn't it?So enjoy,& be prepared for sometimes baby will get sick & we'll feel helpless when that time comes coz they can't tell us yet what's wrong with them.