Thursday, February 01, 2007

birthing kwento

finally! matapos ang ilang araw na pahinga at panakaw nakaw na sandali para mag-internet dahil pinagbabawalan at baka daw ako mabinat... eto na ang kwento...
january 22 -- false labor ko, buti na lang at hindi ako nagpaka-exag at nagpadala agad sa hospital since
nagkaron ako ng contractions na every hour ang interval the whole night. pero nawala naman
ng umaga...thats when Amiel decided na mag-start na ko ng leave ko from work at dina kame
umuwi sa bahay namin at dito na kame sa house ng parents ko nagstay...just in case manganak
ako eh andito kame at di matataranta si Amiel...
january 23 -- ordinary day feeling for me
january 24 -- parang meron akong feeling na magkakaron ako at parang mabigat ang tyan ko the whole day...
according din sa mama ko nag-iba daw ang hugis ng tyan ko, parang tigas na tigas... mga 7pm
mayat maya nakakaramdam ako ng contraction pero sobrang mild kaya deadma lang ako..
hanggang mga 9pm may contractions, thats when i decided to time the contractions, mga 30
minutes ang intervals bago naging mga 15 minutes na, di na rin ako masyado makatawa kahit
comedy ang palabas.
10:00pm -- i decided to call na my ob, wala lang, for confirmation kung anong weird feeling yung nararamdaman ko. Tulog na si doc (hehehe)..first she asked if para kong na-pupupu, i said yes... kung parang nahilab ang tyan ko, oo... kung ilang minutes ang intervals ng sakit, mga 10-15 minutes... kung kaya ko pa daw, oo naman,tolerable pero ramdam ko. Tas sabi nya if maging 10 minutes talaga na ang interval magpahatid na daw ako sa St. Martin Emergency Room, she'll just advise the nurses in charge na asikasuhin ako...kaya tamang timing kame ni Amiel ng minutes of intervals..
11:30 -- nag-ayos na si mama at Amiel, ni-ready ang oto, nagayos ng mga gamit to bring si mama kaya mga 11:45 -- pumunta na kame ng hospital.
january 25 -- 12:15am -- na-admit na ko sa hospital, the resident doctor had my kipay ie'd... surprise surprise! 3cm na pala ako.. ay sus, napakasakit! kelangan palang sabayan ang hilab kapag i- internal examination ka kapag on going ang labor chenes. so ayun, they had me wear the hospital gown na kita ang ka-pwetan ko (bwiset ang nag-design ng hospital gown!) at nilagyan na ako ng iv(honestly, di ko lam meaning ng iv, dextrose kze alam kong tawag dun eh! ehehhehe) tas direcho na sa room. di naman ako makatulog, kaya watch na lang kame ng Pahiram kahit Sandali..starring Christopher de Leon, Ara Mina at Alice Dixon ;) diba, hinihilaban na ko ng tyan sabay asar na asar pa ko sa storya ng kabit na si Ara Mina! kaya lalo akong di mapanatag.. mga 3:30 pinacheck ako ng ob ko sa nurse in-charge kung gising ako or what..kalain mong sabihing nanonood ako ng tv! ayun pinapalakad tuloy ako wag na daw manood ng tv.. ay naku,lako sa mood maglulumakad kaya natulog nako. ;)
6:30am -- dumating si ob ko, ie'd me (again) 4-5cm na daw ako...but the contraction was still 10minutes apart medyo mabagal daw ang progress, had to inject buscopan to soften my cervix... pero pasakit na ng pasakit actually ang hilab in fairness ha... pero nakakapag-txt pa din naman ako in between. and i was obliged to follow the doctor na walk around the hospital lobby para matulungan ang pagpapababa ng tyan ko..medyo mataas pa daw kaze.. pinakain na din ako ng last meal ko... until..
12:00 nn -- lakad pa din ako ng lakad. alternate si husband at mama sa pagsama sakin dahil alalay nila ang iv ko... ayun every 5 minutes na ang interval, jusko napakasakit! at around this time nagkaron ako ng bloody show without the water.
1:00pm -- they gave me another shot of buscopan again for the cervix, tska nubain para daw ma-calm ako at makatulog.. eh heler! nanlambot nga ako at na-groggy pero hanep tagos pa din ang sakit ng contraction kaya nabadtrip ako, iniinda ko na ang hilab na napakasakit tapos mahilo-hilo pa ko sa epekto ng nubain!
3:00pm -- i was then send to the labor room kunsaan ako mi-neet ng ob ko... at dun ako nagreklamo for the nubain shot they just gave me a while ago... nagkakanda-throw up na kze ako sa hilo.. again, ie'd me for the 3rd time and 6cm pa lang ako... calls for another shot of buscopan.
3:30pm -- my water bag was pricked... grabe ganun pala feeling nun! andami ;) after that ie'd me again at ang bilis wala pang 4pm 7cm na ko...so dinala na ko sa delivery room.
4:00pm -- nagstart na kong umire...everytime magkakaron ng contraction, and i have to ire sa peak na sakit ng bawat contraction...at first mahirap.. oh well, hanggang huling ire ko mahirap talaga. pero tama naman bawat execution ko...as per said ng ob ko.. inhale... push! hard and long... now relax...dahan dahan ang bawi... yan ang dialogue ni dra.ob...
5:00pm -- 8cm na ko... inhale push pa din ako... pero parang walang progress lahat ng ire kong ginagawa... pawisan na ang dra. ko... at ako masakit na ang mga braso ko... pero wala pa ding nangyayari... dito na nagsalita si ob na if by 6:00pm wala pa ring progress she'll call for a CS delivery...which i totally disagreed!
HINDI PWEDE DOC! I HAD MY PELVIMETRY X-RAY'ED -- OK ANG RESULT..KASYA ANG BATA... I HAD MY FAIR SHARE OF DIETING PERIOD PARA DI LUMAKI ANG BATA AT NAMAINTAIN KO ANG IDEAL WEIGHT KO..HAD AN ULTRASOUND 3 DAYS AGO, NAKA-POSISYON NA ANG BATA...KAYA ALAM KO NORMAL DELIVERY AKO! 140-142 ang count ng doppler sa heart beat ni baby. stable.
6:00pm -- 9cm na ko ang intindi ko pa 10cm pa nga... so talagang dapat by this time mailabas ko na...pero ang tanong bakit wala man lang pagbabago... ganun na ganun pa din ang sitwasyon, ni di man lang makita ang ulo ng anak ko... sa sobrang sakit, i had to request for an epidural which is again very against my will.ayoko magpa-painless. i mean, inabot na ko ng ganung katagal bakit kelangan ko pa ng pang-painless?! kaso i had to give way for the pain..para makapagconcentrate ako sa pag-push. time is running out. ayokong ma-distress ang baby ko... heart beat count: 140-stable. thank you Lord.
pros of epidural: walang feeling of contraction. nakakapag-concentrate sa pag-inhale and pushing moments.
cons of epidural: ay sus! pakiramdaman ang laban..di mo malaman kung nagcocontract kana unless sasabihin ng dra. mo...tsaka ka lang mag-inhale - ire - exhale.
my ob told me na antagal na ng labor period ko, kelangan ko na daw i-cs dahil ni isang sign na lalabas na ang anak ko...wala. kaya instead of i-risk nya ang bata at ako kelangan ko na daw mag-undergo ng Cesarian delivery. pero hindi pa rin ako pinanghinaan ng loob... i asked for the heart beat: 140-still stable... i asked kung may water pa ko...meron pa... kaya sabi ko kay dra. kahit 1 hour pa...gagalingan ko pag-ire, promise. ayoko talagang ma-cs!!!!
pinagbigyan naman nya ko... lumabas si dra at kinausap ang mga nag-aabang sa kin sa labas ng delivery room.. 11 lang naman silang lahat. (sabi ng ilan,baka kaya daw ako nahirapan dahil sa dami ng mga nag-aantay sa panganganak ko..which i totally disagreed..ansarap kaya ng feeling knowing na madaming concern at nagmamahal sayo...)
so ayun... inhale...push..dahan dahang exhale... hanggang 7pm. WALA PA DIN. sorry na lang ako. kinausap ulet ni dra. sina Amiel, FIL and my mom na kelangan ko nang i-CS... ayaw lumabas ng bata. baka kung mapano na kameng dalawa.
bago ko dinala sa Operating Room kinausap muna ko ni Amiel...by that time umiiyak nako... kasi i failed to deliver our baby the Normal Way...ako pa naman i was so deadset na Normal ang delivery ko... i was so upset that i wasnt able to utter a single word hanggang makarating ako sa OR.
around 7:30 nag-pass out na ang Epidural effect kaya back to hilab experience ako... waited for the anesthesiologist (again..by the way, my anesthesiologist was the cousin of Vivian Foz, oh diba celebrity! ;0 ) so by..
8:00pm -- spinal anesthesia was shot at my back. in a matter of minutes gulay ako. as in walang feeling halfway of my body. tinakpan na ang view ko ng aking tummy... at ilang sandali pa nakarinig nako ng malakas na tunog...parang mixer, pang suction pala... naramdaman ko pa na hinihiwa ako, pero hindi masakit. naloko ko pa ang dra ko kung bituka ko na ba ang kinakalikot nya...na nagpatawa sa kanila sampu ng mga assistant nyang nurses... wala eh, la nakong magawa. kesa matakot ako, unahan ko na lang ng daldal.
pero pwera biro, iniisip ko habang hinahalukay ang tyan ko, kung ako sa hilot nanganak or sa bahay, malamang mai-nonormal ako... hay.
8:20pm -- nailabas ang baby ko, i was able to hear her cry... di na cia nailagay sa dibdib ko kze kelangan na ciang ma-check up baka kaze sa sobrang tagal ng labor mapano na cia. paa nya lang ang nakita ko... narinig ko pa ang dra na sinabing bibig ni baby ang unang nakita ng binuksan ako... Occiput Posterior daw. meaning habang nag-lalabor ako umikot pa cia at tumingala. kaya kumalang kaya hindi nya makuhang makalabas kahit anong powers ng pag-ire ang gawin ko..
totoo pala yung sa mga movies na kapag nakita mo na ang baby mo after manganak eh bagsak ka agad. bigla na lang akong nakatulog at ayun nagising na lang ako palit na ang hospital gown at wala ng pawis.. tinanong pa ko ng nurse na juding na nakasundo ko na sa tagal ng pagsasama namin sa dr at or kung naiihi daw ako..sabi ko hindi naman...sabi nya: siyempre sis kze naka-cateter kana eh! ako naglagay nyan! acheche!
so ayun nga, pinananik nako sa room ko... nang makita ko ang asawa ko, nanay ko at byenan ko naiyak na lang ako..nagalit sila dahil bkit daw kelangan kong umiyak... feeling ko kze loser ako...failed the Normal delivery. syempre di ganun kamura ang CS delivery. halos 4 na ulet ang presyo. wag ko na daw isipin yun, ang mahalaga ang bata at ako... haayyy... naisip ko din matagal tagal na recovery ang bubunuin ko nito. imagine para na rin akong nanganak ng normal, nga lang, di sa kipay ko lumabas ang baby ko..kaya doble doble hirap ang dinanas ko...
parang ayoko na ulet manganak. mahirap pala. masakit kung sa masakit. pero kaya. mataas din pala tolerance ko sa pain. pero once you get to see your child pala... balewala ang hirap. maiiyak ka na lang dahil ligtas siya at normal. sarap maging nanay. ;)

3 comments:

genpot said...

yes sister, sarap maging nanay... kung una masasabi mo ayaw mo na ulit manganak... in a while magbabago rin ang isip mo... iisipin mo kaya mo naman pala yung pain eh...feeling mo ngayon, kahit ano kaya mo na... :)

Congratulations again!

kiwipinay said...

whew! feeling ko eh nanganak na rin ako sa pagbabasa netong wento mo. hanube! napagod ako! sabayan mo pa ng takot. parang ayaw ko na yata. ngiiii!!!

CS? nanangkupu! magkano na CS ngayon? sabi sa kin ng nanay ko, nung na-CS daw sya sa akin, 800pesoses lang daw nun sa galang maternity clinic. ehehehehe... ang mura no? mga.... mga.... mga siguro 20yrs ago lang yun? arekup!

kathy said...

hi genpots! siguro nga tama ka,sabi ko right after ko manganak,ah hindi during nanganganak ako na ayoko na..huli na to.. sa sobrang hirap...pero baka nga pagdating ng araw humiling pa ko ng boy naman! ;)

kiwipots!
naku,isa lang lumabas wala ang request mo...naku kung madami pa yun baka di ko na kayanin at kunin na ko ni Lord! joke.;) ay sarap ma-cs nung araw ha! ngayon grabe na...mahigit 60k na mauubos..di pa un sa manila ha..lalo pa dun! wala na tuloy pambinyag! acheche!