Tuesday, January 02, 2007

new year 2007


yay! welcome 2007!!!

ano naman kaya ang dala ng taon na ito satin? hmmm....

ah, kahit ano! alam naman nating lahat na everything is in the hands of the Master Planner... kaya whatever it is na ibigay nya, tanggapin dapat ng maluwag at buong puso. sabi nga nila di tayo bibigyan ng di natin kaya, problema man yan o kung ano pa.

basta ako at si bossing ngayon ay sobrang excited na sa paglabas ng aming 'bida' , panigurado patok ang aming angel sa both sides ng family namin, unang apo sa side ng family ko at unang girl na apo naman sa mga in-laws ko! ;)

pero handa na ba ako?! handa in a sense na magiging effective o efficient nanay kaya ako sa anak namin? lately, sobrang senti ang mode ng mga pinagiisip ko.. ewan ko bakit, pero wala akong ibang iniisip kundi 'anong klaseng ina kaya ako', natatakot ako kze baka di ko magawa ang mga bagay na nagawa ng sarili kong nanay na pagpapalaki sakin. na baka marami akong kapalpakang magawa bilang ina. ayoko nun! gusto ko maging 'd best nanay' din ako para sa anak namin. natatakot akong masumbatan balang araw dahil sa maling pagpapalaking maaring magawa ko. pero paano? ...

isa pa nga pa lang bagay ngayong taon na ito ay ang isang desisyong matagal na naming pinagiisipan mag-asawa. di pa namin napa-finalize pero i'll let you know if it'll push thru. mahirap na desisyon on my part, pero it'll be for the best of everyone kaze. gusto ko man sabihin kaso i might not be ready... baka ma-unsyame at kung ano pa ang maging epekto....most probably after i gave birth mase-settle namin ang pagde-decide... God has plans for us... I know.

i'm currenly 36 weeks on the way, padami ng padami ang mga nararamdaman kong braxton hicks contractions, as usual ang leg cramps na stay-in sa buhay pagbubuntis ko eh halos every night present, i'm scheduled to have my pelvic bone x-rayed on friday and ultrasound na din to check how big the baby is. also, i'm having a low carbo diet, meaning less rice more ulam. my ob also advised me not to take too many sweet treats kze it can make the baby bigger... but, i just can't resist! last new year's eve i had gelatin, buko salad, ref cake and ice cream! at ofcourse hindi nawala sa sistema ko ang softdrinks! grabe na toh!

how we celebrated our new year?! ...
december 31... bossing and i woke up early, as in early para makapag-ready for the new year... konting walis walis ng bahay, punas punas etc... tapos naghanda na para pumunta sa palengke, pero since di pa kame breakfast dumaan muna kame sa mcdo para maka-kain. tas fly na kame sa palengke. ay sus! sobrang traffic! kadami ng tao kaya tinotopak na si bosing, ewan ko nga ba, sinabi ko na kze na 3oth pa lang mamili na kame para hindi kame sasabay sa buhos ng mga marketers churvas..kaso di nakinig kaya dusa ang inabot. hehehe... so dumating na kame sa palengke, first stop: meat section, bumili kame ng giniling for the tacos, liempo and chicken pang stock sa ref. next stop: gulayan section tapos mga other supplies.. hinuli na namin ang mga prutas dahil yun ang madugo... grabe ang mahal ng mga presyo! talagang sinamantala ang panahon.. kundi lang kelangang makabuo ng 13 pirasong bilog na ka-prutasan. pagkatapos mamili umuwi na kame at naghanda na ako sa bahay namin para naman bago kame pumunta sa mga nanay ko eh may laman na ang lamesa namin...
mga hapon nag-ready na kame para dumaan muna sa mga in laws ko at doon kame mag-dinner. after namin doon pumunta na kame sa mga nanay ko... masaya sa lugar namin kze madaming bata at syempre pa patok ang mga katindahan ng nanay kong mga paputok! syempre enjoy ang lola nyo kakabenta habang nagiihaw naman si bossing at nagpeprepare si madir ng table. ayos, ubos ang paninda at panalo ang kita! ;) madami ding mga tinira ang kapatid ko para pang gamit namin, syempre si bosing at mga alipores nya ang mga nagsipaputok, kame, torotot lang at coin purse ok na! nag-sindi rin ako ng prosperity candle, ung anim na colors na kandila na kung ano ang unang maubos yun ang swerteng tatamuhin mo, ang unang kandilang naupos sakin yung yellow= intellect tapos yung blue=harmony tapos yung red=love sumunod green=money pink=health at white=purity. after ng putukan halos di na rin kame nakakain sa dami ng pinapak daming bbq at hotdog habang nag-aantay ng 12... kaya kwentuhan na lang right after.
almost 4:30 na din kame nakatulog kaya super late na din kameng gumising. :)






january 1 and 2 : naku, as in super lazy days namin yun ni bosing... sipin mo na lang, pagkauwi namin galing sa mga nanay ko nanood na kame ng Lost... natapos kame 3 am! tapos pagkagising namin ng jan.2 salang ulet ng dvd para ituloy ang panonood..maghapon! tumigil lang kame mga 8:30pm ng magyakag akong maglakad lakad at maghanap ng bilihan ng puto bungbong..sad thing, eh nampucha, ni isa walang bukas! so lakad nanaman kame at ice cream ang napagdiskitahan naming lantakan...lakad nanaman at ng marating ang 711 bili naman kame ng picnic at mineral water...lakad nanaman hanggang makauwi kame sa bahay ng mga past 10... o diba paguran! ;) pagdating sa bahay salang ulet si bosing ng Lost, season 2 na kame... mamaya ulet! ;)

2 comments:

idealpinkrose said...

belated happy new year!

i'm sure magiging good mom ka sa baby mo sis gaya rin ng mom mo...

i can't wait to see the pic of your baby...kelan ba ang due date?

kathy said...

hi pinkyloo!
sana nga noh...takot akong maging failure eh...starting jan 11 anytime pwede nako umitlog! ;)