Thursday, January 04, 2007

halo halo anyone?!

super hectic ang trabaho ko kaninang umaga.. madaliin ba naman ang paghingi sakin ng report ni el presidente! kaw ba namang bigyan ng advise kahapon bago ako umuwi tas pagpasok ko binigyan ako ng 1 hour para matapos! eh sus, di ko pa nakukuha ang data sa warehouse! kaya kanda kumahog ako. kung sabagay, isa nako sa pinaka maswerte sa trabaho dito, imagine, di kasing hirap ng mga loads nila ang kelangan kong gawin na kelangan pa sa karamihan ang mag ot para lang ma meet ang mga deadlines nila. petics nga ang tawag sakin! daily updates lang and recordings, orders ng raw mats, monitor ng finished goods...voila! trabaho na un! ;)

badtrip mode kwento: sino ba namang buntis (na topakin) ang hindi mababadtrip kapag ang dinatnan mo sa company canteen nyo ay ADOBONG LEEG NG MANOK?! at PRITONG ITLOG?! naknang pating naman talaga oh! kung kelang tomguts ang mode ng pagkatao ko kanina eh yun ang inabutan namin ni lovemela! kahapon naman nilagang baboy ang ulam na dinatnan na hanep naman ang taba! para ng salbabidang nakalutang sa sabaw, wala ka namang choice kesa naman pritong isda na sumampalataya sa breadings para magmukang malaki. kaya sige na din, tyagain at kung hindi baka himatayin ako sa gutom. kanina nga yung adobong leeg, puchik talaga syempre bilugan ang hugis ng leeg, kaya walang ginawa kundi magkanda dulas sa plato ko habang umaasa akong may makuhang laman, eto masaklap, nagkanda tapon sakin yung kinakain kong kanin na may sabaw ng adobo kaya eto ako ngayon, madungis! aaarrrggghhhh!!!!

on masayang mode naman: i joined last christmas sa N@W's CCX, wherein magkakaron ang bawat kasali ng partner na papadalan ng christmas card or gift ang ma-aasign sayong partner na N@wie... so ako nagsend ako before christmas which i dunno kung nareceive na nya... pero ako the other day, was able to received a mail from LIZA BERMUDEZ a card and a mini baby album as a gift! :) ang cute talaga ng album... and she actually wrote an entry sa blog nya regarding sa ccx 06... so yesterday thru our e group, nagsend ako ng thank you note for her... and this morning, 'was able to received a reply from her na she did actually searched for me kaya dun nya nalaman na i'm a mommy to be to a baby girl kaya super kikay yung mini album na pinadala nya for me! :) again, thank you sis! :)


later this afternoon naman after work i'm scheduled for my weekly check-up since kabuwanan ko na kaya weekly na ang appointment ko with my ob... if i remember it right, today ang ultrasound ko to check the size of my baby and her head na din, tsaka i think i'm about to undergo an x-ray of my pelvic bone na rin... to see if kakayanin ko mag-normal...which, i'm very positive na normal ang delivery ko! :)

another kadaldalan kwento --- for 2 nights din pala busy ang lola nyo sa paglalaba ng mga baby clothes and other stuffs ni baby, like mga receiving blankets, towels, booties, gloves, tie-side shirts, pj's etc... kaya ngayon, blister-full ang aking mga daliri! :( i should have washed those using the w.machine kaso nagmagaling ako na di naman madumi ang mga labahin, need to wash it down first bago isuot since baka magka-allergy si baby sa mga chemicals ng mga bago nyang damit, tska yung mga iba naman mga hand me down gamit ni Myk (nephew/inaanak namin ni bosing) kaya mega kusot ang drama... then after ko ipagsasampay ang mga damit, namlancha naman ako ng mga natuyo ng damit (na nilabhan ko the other night)... at kagabi din ang realization ko na mas mahirap palang mamlancha ng maliit na damit kesa sa malalaki! :) hehehehe...
so ayun, nilamanan ko na din at ni-ready ang bag na dadalhin sa hospital anytime na mag-"my-waterbag-broke" mode ako... :)

0 comments: