Monday, January 22, 2007

false alarm!

akala ko manganganak nako....
monday madaling araw: ilang ulit akong nagigising sa pagsakit ng tyan ko at balakang..ng tinignan ko ang interval tuwing maka-isang oras... OMG! akala eto na ang inaantay ko... pinipilit kong matulog para atleast may lakas pa din ako kung sakaling dalhin nako sa hospital...ok lang naman kze nawawala din after 1 to 2 minutes na pagsakit... hanggang 6 am sumasakit-wala. so nagdecide na si Amiel na wag na kong papasukin, dito sa bahay din pala kame ng parents ko nakastay since sunday, di na kame pinauwi baka kaze abutin na ko eh. so ayun nga, hanggang sa nawala naman ang sakit. false alarm.
wala pa din kzeng nalabas na kahit na ano, tubig or blood.
so antay antay pa din kame.,.grabe mas nakakainip pala. gustong gusto ko ng makita ang anak ko.. wala na kong ginawa kundi maglakad ng maglakad dito sa subdivision. buti na nga lang at naka-dsl na ang kapatid ko, kaso mukang di kame close ng connection at mabagal kapag ako ang nakaupo sa harap ng pc na to!
ibang kwento naman: 3 days ago, while i was preparing dinner, habang nasa labas si Amiel kausap ang isa nyang kaibigang napadaan samin that time, bigla niya kong tinawag para lang may ipakita sakin... isang cute na cute na Pug Puppy! as in nakakatuwa..alam nya kzeng gustong gusto kong magkaron ng pug eh, dissapointed nga cia kaze akala nya last christmas mabibigyan na nya ko, kaso pangit na daw yung natirang pug sa friend nyang nagbi-breed, mukha daw may sakit kaya..let go muna. So ayun nga, may bata kzeng napadaan samin habang wino-walk yung pug nya kya tinawag ni Amiel at pinapasok sa looban namin...kaya mega picture taking kame! ang cute diba?!
and her name is Maxxi...
magkakaron din kame ni Olin ng pug! ;)



3 comments:

andrea said...

hi kathy!naku,nauna na ko sa 'yo.good luck sa panganganak at i'll pray for a safe delivery for you :)

Litzie said...

Hi Kathy! Anu ba yan ang payat mo naman pala... parang di mo pa kabwanan ha. Sexy Preggo Momma... good luck. Have a safe delivery!!!

Aggie said...

Hindi pa din ba!!! Hehehe, kakainip na yan no, dibale konting hintay na lang andyan na si baby ;) Ingat ingat na lang....soon you will be a full pledged Mom!!!