unang sama ko sa outing dito ay sa EAGLE POINT RESORT sa Batangas... actually kaduluhan na ng Batangas at kalikod isla na ang Mindoro. One month pa lang ako noon dito kaya maswerte na din at nakasama ako kahit di pa ako regular...and that time wala pa akong digicam kaya wala kong picture dito sa pc ko...puro print out lang, eh walang quality ang scanner dito kaya wala tuloy akong mapost na pics... pero maganda ang Eagle Point, ayos din ang package nila for group outing, tas on the 2nd day, kasama sa package ang transfer of Island, sa Sepoc Beach.. astig! kze solo nyo ang isang maliit na island na white sand! first time ko makapunta at makakita ng white sand beach kaya sa sobrang galak ko noon natisod ako sabay ngudngod ng mukha ko sa sandy beach! dyahe talaga yun, para kong humalik sa lupa na tipong bagong salta sa lugar kaso may pwersa nga lang dahil dikit ang mukha ko sa buhanginan pagkababa ng speed boat. hehehe...
at ang food?! wow the best! lamon at lapang talaga ang term na pwedeng gamitin! di ka pwedeng babagal bagal at mag-uumemote dahil di uubra ang ganong arte kapag sinabing na buffet is now open takbuhan na!
sumunod na company outing naman namin ay sa Caylabne Bay Resort, dito lang yun sa Tarnate Cavite, mga 1hr drive lang. Una, nakornihan talaga kame ng malaman na doon ang aming 3 day outing dahil hello?! taga Cavite na nga kame dito pa din ang outing?! pero dahil dakilang mga empleyado lang kame, wala kameng choice kundi ang sumunod at sumama...anyways, libre naman lahat eh!
when it comes to food, hmmm, ok naman din...madami ding pang-lafang, medyo corny lang kze hindi exclusive samin yung buffet kaya medyo famine ang drama namin habang kumukuha ng food, tsaka medyo matagal mag-replenish.
walang special place for the activities kaya sa beach side lang kame, madaming tao lalo na mga day tour kaya di namin solo yung place. pero ok na din



sa Bohol Diver's Resort, Panglao Island kame nag-stay... maganda ang dagat in fairness.. maaga akong gumising at nag-picture taking ever na sa mga views doon at lumanghap ng sariwang hangin, dahil nga hindi ako mahilig mag-su-swimming kaya masaya na kong umupo sa buhanginan habang dipa nasikat si haring araw at mag-isang nagmuni muni habang iniisip ang namimiss kong asawa. :( awwww...sweet noh! hehehe...
side kwento: meron talaga kong dalang folding umbrella that time, pinahawak ko lang sa mga kasama ko everytime mag-picture galore na! ;)
sa pagkain review: hmmm, honestly kahit maganda ang view, di ko na-enjoy ang foodangs nila... almusal ba naman cocktail na purefoods hotdog at kapeng 3 in 1 at mga prito pritong mga dried fish at sinangag ang pinakain samin, eh hello? oo masarap yun talaga,pero outing ito tsong! siempre medyo expect ka ng mga kasosyalang foodangs diba! ;) lunch at hapunan ok naman, not bad na din.
ang pagkain!? wow! d best! astig ang dinner buffet with cultural show pa! sumakit ang batok ng mga high blood sa dami ng ma-cholesterol na pagkain! at ang lechon cebu...hanep! sarap! di mo makukuhang kumuha ng kanin sa dami ng pwede mong papakin! at ang prutas umaapaw! seafoods festival din talaga! kaya ang mga kalalakihan ayun mega-tabi ng mga pampulutan at hindi na nag-si attend ng aming games/activities dahil mga senglot na! nag-night swimming din ang mga ala-serena-in-their-past-life na mga kaopisina ko... ako? nanood ako ng judai-piolo teleserye na sa piling mo sa tv dahil marathon nang gabing yun ang palabas. hehehehe...
at bakit nga ba ako kanda kwento ng mga Outing namin na ito?!
dahil mukhang hindi ako makakasama this year!!!!! huuwaaaaaahhhhhhhh!!!!!! :(
malamang di ko magagawang iwan ang anak ko dahil wala pang dalawang buwan akong nakakapanganak by the time na mag-outing ulet ang company namin... and this year sa GRANDE ISLAND RESORT, Subic ang pupuntahan. Mukhang maganda ang lugar at andaming water activities kaya ngayon pa lang andami ng plano ang mga katrabaho ko..sobrang excited na sila! pag nagkataon, 2 o 3 kameng hindi makakasama, dahil kapapanganak din lang nung isa by that time at yung isa naman kabuwanan nya ang April.
ok lang naman hindi makasama, siempre mas importante ang anak ko di ba?
baka kame na lang ni Amiel magbakasyon, tutal meron naman ciang extension membership card sa Caylable Bay Resort eh! :) kinuha cia ni FIL kahapon kaya mayabang ang mokong! hehehehe..
0 comments:
Post a Comment