Friday, December 08, 2006

muntikan

later this afternoon will be my scheduled-suprise-kuno-baby shower dito sa office namin... kunyari surprise kaze not all details eh alam ko, at yung iba naman involve ako.. ;) minsan, kahit anong pilit kong alisin pagiging hands on OC ko di ko pa rin mapigilan eh... talagang likas na pakialamera at marekutitos ako... hehehe... dito na lang sa office gagawin after working hours para di na hassle to set up pa ng venue at di na malayuan sila sa pagpunta...at para mas mahaba yung time na rin... diba mga 4 mos ago nag baby shower na din kame dito for our other preggy officemate, may mga games din pero walang prizes,sa kakataranta namin nalimutan namin magprepare, so ngayon, being a super-excited mommy-to-be naghanda ako ng prizes!, at lollipop cookies for give aways na din! hehehe... ;) tska siyempre ang magiging star bukod sakin mamaya ang Chocolate Fountain ko! ;) di ko yata naikwento pero 2 weeks ago, nag-fly kame ni Paula sa Makati to meet up with another N@wie Maricon para bumili ng choco fountain... a dream come true ika nga...kze sa sobrang mahal nya i never thought na makakakuha ako ng good deal with her! so mega ready na kame ng mga pang dips... nang testingin namin kanina ang fountain... ayaw umandar!!!! shitty. di namin malaman ang dahilan... pero ang naalala ko lang, nahulog ko ang fountain the other night while trying to remove it out of its box... blag! un na ang narinig naming mag-asawa (na ikinagalit nya dahil baka daw masira) ...being positive that i am..sabi ko hindi, mababa lang naman binagsakan... hanggang itesting nga kanina... mabuti na lang at may mga taong sadyang mahilig magkutingting ng mga bagaybagay... kaya sina Kuya Joey, Kuya June at Kuya Mike combined their powers para magawa ang nagkalagas lagas palang mga parts sa loob ng motor ng choco fountain ko! ;) jusme...di ko akalain ganun ang naging epekto ng isang bagsak... magtanggalan ba naman ang mga turnilyo sa mga pinagkakabitan kaya ayan ng umikot ng auger... susme talaga! kaya malungkot na ko mula kanina dahil nawalan nako ng pag-asang magkaron ng choco fountain na ipangangalandakan ko tuwing may okasyon... :( hanggang sa bumalik si kuya Joey dala ang fountain with a smile on his face... announcing:mission accomplished! yahoo!!! gawa na fountain ko!!! tuloy ang masayang baby shower! ;) and with that, free lunch lang ang katapat nila! hehehehe... buti na lang talaga walang mga Japanese people ngayon sa company namin kaya mega tambay lang ang mga kumags dito! ehhehehe...
o cia sige na muna... back to work ang lola nyo! i'll update na lang later with pics ang baby shower happenings later! babush!

0 comments: