Friday, December 08, 2006

lipas time

mukha bang excited ako sa baby shower ko?! ;)

at eto, kanda post nanaman ako ng bagong entry... wala kze ngayon dito sa tabing table ko ang bosing kong japones! may meeting kasama ng iba pang alipores... i wonder bakit di ako sinama?! eh hello..as if naman ako ang no.1 nyang interpreter sa mga bagay bagay regarding work..tapos pagdating ng submission ng kung anong mga anik-anik nya sakin nya din papagawa... wala pa dun ang pag-i-ispell sa kanya ng mga trip nyang words na ilalagay sa report nya! pero teka, i have nothing against my boss ha.. hektwally, sa totality (with all the ity) ng working years ko dito sa company na to at nakailang palipat lipat na din ako ng departments ( gawa ng mga katarantaduhan ko sa aking big playground kaya hinahanapan ako ng tamang lugar! hehehe) eh etong japones na ito ang nakasundo ko...so far for almost a year kameng mag-boss eh dipa ako nasigawan nito...(unlike dun sa dalawang lagi kong kaaway...dabog sila,dabog din ako! sigaw sila,sigawan kame! pero ngaun naman ok na kame ulet..;) ) di rin ako na-pressure sa work, kung may deadline man minsan di na rin nya naaalala kaya petics lang tsong! ehehhehe.. kundi rin lang talaga ang el-presidente na ang humihingi samin ng mga reports at kung ano anong requests tska ko pa napapasa eh... kaya minsan naiisip ko lugi kompanya ko sa kin... pero hindi rin boi! mabilis lang talaga ko trumabaho, tska never kong iniisip na trabaho ginagawa ko at baka mapraning ako lalo pag-ganun tumanda pa ko maigi! easy lang, trabaho, darating at darating yan, matatapos din yan, di mo kelangan dibdibin. yun ang motto ko. kaya kala ng iba, naglalaro lang ako. pero hindi. swerte din lang ako sa mga gawain ko kaya naisisingit ko pa ang daldalan sa mga ka-opisina ko! hehehe... and surfing the net! bwahahaha...

esfiking of internet... si papa ko, for the first time nakapag-email na siya kahapon! may laptop daw kze ang cabin-mate nya sa barko na pinoy din kaya mega-turo sa kanya sa pag-email... diko mapigilan maiyak habang binabasa ang email ni papa... sobrang proud ako sa kanya... naalala ko tuloy nung maliliit pa ako, hindi pa abroad noon si papa, dakilang philippine navy pa siya at ang kadalasang destino nya ay bicol,zamboanga,davao at kung saan saan pa... ang lagi nyang paraan ng komunikasyon ay ang telegrama... oo tama ka, meron pa kaya noon ngayon? parang text pero naknangteteng! mas mahal! pero mabilis na noon ang after 1 day receive mo ang message ng nagpadala sau...kakatuwa lang isipin ngayon mag-away,magbati kayo sa text sa loob ng 5 minuto pwede! o ayun, tapos ngayon, wow! email na kinakana ng erpat ko! astig diba! mahilig kze gumawa ng sulat si papa, alala ko noon, bukod bukod pa kame ng papel, si mama ako at jonah, yung kay mama tungkol sa pag-aalaga saming magkapatid at sa mga kaperahang ipinadala nya, kasama na ang breakdown ng mga share namin at bayarin sa mga naiwang konting kautangan. yung sakin naman kadalasan tungkol sa pag-aaral ko, infairness puro keep up the good work ang laman dahil ehem,kahit pano naman di ako naging pasaway sa pag-aaral, at bilin na din na wag papabayaan si mama at wag bibigyan ng sama ng loob. si jonah!? oops, la kong sinabing pasaway si jonah sa pag-aaral ha! hehehehe... may pagka-tamadinski kze ang kapatid ko, hilig lang nya lumafang! ;) peace sister! ;) tska lagi ako inaaway. hehehe...
malamang excited na ang tatay ko umuwi, birthday nga nila ng kapatid ko sa linggo eh, magkabirthday sila. umiiyak nanaman the last time he called. kakaawa, pero 10 years na siyang nag-aabroad pero ganun pa din, naho-homesick pa din. siguro gawa na din ng holiday blues. wala siya dito sa pasko at new year eh..
ayan nalulungkot nanaman ako...
sige na nga, later na lang ulet..

0 comments: