Thursday, May 18, 2006

Rated 18 - Migraine Update

nakakasakit talaga ng ulo ang di pagpapalabas ng SM Cinemas at feeling ko pati Robinson's ng Da Vinci Code.
basahin mo. bukod sa R-18 na ang pinataw ng MTRCB kakaunting cinema chuvas lang ang magpapanood nito sa publiko. Hello?! talagabang kelangan pa naming dayuhin sa kabilang ibayo para lang madatnan ang sinehan na fully reserved at kung hindi SRO eh wla kameng choice kundi ang umuwi ng di nakakapanood.Tsk,tsk, mahirap ng makipagsapalaran noh! Eto pa, mukang pag-iinitan ng mga Anti-pirated-busters ang mga DVD copies ng Da Vinci... makisawsaw kaze sa uso! sa pamumuno yan ni Edu Manzano, na ngayon daw ay na-hospital dahil may bukol sa likod! ;p ayan, mukang bibigyan ng chance ang ating mga kapatid na muslim makapagsikwat ng mga pirated DVD's na without cuts pa! hahahaa!! sige na, minsan lang...tsaka dapat ang hinuhuli eh yung mga kabastusan at kabalahuraan ng mga bold movies diba!
Ay naku, pag nagkataon mukang maiiwan ako ng tropa ko sa panonood ha... sa Greenbelt at Greenhills showing na... hay... di lang maintindihan ng mga ibang tao e, kaze di nila nabasa yung book, pero maganda talaga.. kaya tingin nila sa tulad ko, exaj dahil masyadong big deal daw sakin! eh, libro nga sandali lang natapos ko sa ganda yung adaptation pa papalampasin ko!?
NO WAY.


***
ay kahapon din pala yung follow-up checkup ko sa aking NEUROLOGIST (napaka-sosyal talaga ng tawag sa doc ko!)... at oo, buhay pa nga ako, inabot ko din ang May 17 na buhay given the fact na madami akong bawal kainin... ok naman pala, di na sumakit ang ulo ko, effective ang gamot!
..so ayun nga,after work, diretso nako sa NEUROLOGIST ko (tickles me), dun ko na din mi-neet si dear husband, check-up... um, ok naman na, diretso ko na lang ang gamutan, pero may resting period ako...every fertile days ko... you know... baka maka-tiempo kame at magkaron ng chimini-angel na! ;p ...
...at duon ko natatanto! ang NEUROLOGIST ko ay LIAR! howell, based na din sa naalala naming usapan the last time na nagpatingin ako...eto ung usapan: (wuwuwuwu,,,,balik tanaw theme..wuwuwuwu)

Neurologist: Married kana ba? may baby kana ba?
Ako: Yes doc, pero la pang baby... nag-wo-workup up pa, TTC po.
Neurologist: Ah ganun ba, naku dapat mabantayan ang pag-inom mo ng gamot kung ganon...
.....pause.... sulat sul at prescription...
Neurologist: How long have you been married?
Ako: almost 5 months doc...
Neurologist: Ah ok, kelan lang pala ano... BUTI KA NGA EH, ATLEAST IKAW KASAL NA, BABY NA LANG INAANTAY.... (pls. take note of the last part ha...)
Ako: hihihi, oo nga po e, kayo po ba?! LA PA KAYO ASAWA?
Neurologist: Wla pa... ilang taon kana nga ba kathy?
Ako: 25 po... eh kayo po? may boyfriend naman ata kayo eh..tsaka malapit na din kayo pakasal?!
Neurologist: 32 na ko.. um, oo, siguro malapit na... (saba y ngiti ng napa-sweeeet na ngiti., nalandian
siguro sa sarili nya...hehehe)

.... so ayun ang huli naming usapan bago kame nagbayaran sa aking pa-check up at nag-bid farewell...
**kahapon, eto naman ang naging usapan namin bago matapos ang aking check-up :

Neurologist: So, bakit ka nga ba nag-stop ng gamot mo last week?
Ako: Kasi po sabi nyo doc, kapag "it" days ko stop ko...
Neurologist: Ah ok, ngapala, so gano katagal na nga ba kayo nag-wowork-up magka-baby?
Ako: Mga 4 months na po... tama, 4 months po...
Neurologist: (akmang nagbilang sa daliri) AY! HALOS PAREHO PALA TAYO.... GANYAN DIN KAME
EH, MGA 4 MONTHS NA DIN NAGWO-WORK UP MAGKA-BABY... GALING NOH?
SABAY TAYO....

**
.... hmmmm (right now, i'm really making face..) diba? di naman kaya may tama talaga sa utak yung NEUROLOGIST (saya talaga bangggitin) ko!? palagay mo?! oh baka naman talagang trip nya un?! ang kung ano anong sabihin sa iisang pasyente?! ako tuloy ang nalito eh... yoko namang mag-urirat pa, baka sabihing basag-trip ako!!;p

***
nagkita nga din pala kame ng tropa, cha,glen,leah... kaze may patay kina leah. pero wla kame sa patay dun kame sa tapat. sa bar nila leah.(pucha,redundant ako sa name ni leah).
kwentuhan lang...dun napagusapan ang da vinci code, ang pangarap naming business, lokohan at kung ano2 pa, ay oo, how they find me weird kaze my blog ako! ha?! weird?! labo e...
pero nahingi naman ng article tungkol sa kanila... so siguro sa mga susunod na araw, u'll find stories of them sa blog ko... may topic nanaman ako! yahu!

0 comments: