Sunday, May 27, 2007

kainis

one time nabasa ko sa blog ni feng yung tungkol sa yaya nila na in need ng pera... can relate ang drama ko siyempre.

una sa yaya issue ... nung isang araw kze kinwento sakin ni mama na nakita nyang umiiyak si yaya, tinanong nya daw kung bakit, kze daw yung magaling nyang asawa ayun, yung kaunting perang pinadala nya para sana sa pang-skwela ng mga anak nya eh kinuha pa. as in kinuha ng pwersahan. syempre wala namang magagawa ang anak nya kundi ibigay yun sa magaling nyang ama. nakakainis pa kze nung tumanggi yung bata eh nagbitiw pa daw ng dialogue na "baket, kayo lang ba ang may karapatan?! mas may karapatan ako dahil ako ang asawa!" ano, kinaya mo ang dialogue?! kala mong artista sa teleserye ang mokong! sarap sapakin ang mukha!
sa totoo lang, isa kame sa maswerteng nakatagpo ng maayos na yaya, i mean, andaming kwento's tungkol sa mga pasaway/horror yaya's out there, pero si yaya namin, good catch talaga. masipag, magalang, listo in other words, bibo. pero sa likod pala ng mga ngiti nya eh may mga problema din. si mama kze ang mas nakaka-bonding nya since sa parents house ko pa kame naka-stay mula ng manganak ako 'til now... at ayon sa mga kwento nya, sa totoo lang, di nya super need na mamasukan at magpakalayo, kze meron naman silang kapirasong bukirin sa probinsya nila na sumasapat naman sa mga pangangailangan nila. kaso gawa pala ng mabait nyang asawa. hindi daw talaga sila magkasundo at kesa kung saan matuloy ang lahat eh pinili na nyang mamasukan ng malayo.
kaya naaawa talaga kame kay yaya, gustong gusto ko cia tulungan kaso sa paanong paraan?! na-i-advance na nga nya ang sweldo nya for june para pandagdag sa panggastos sa pasukan.. tumawag naman ang kapatid nya na nagaalaga sa mga anak nya at sinabing wag na mag-alala at cia na bahala sa gastusin ng mga bata... pero miski na di ba, pano kung wala ciang kapatid?! eh di nakatanga ang mga bata!
bakit may mga magulang na ganun?! dapat di na lang sila binigyan ng mga anak kung ganun din naman ang gagawin nila.
nakakayamot.

pagtulong issue: ito naman eh rant ko lang... naiinis lang ako para sa nanay ko na ginagawa ang lahat makatulong lang sa mga kamag-anakan namin.. si mama kze sobrang generous sa mga kapatid, pamangkin, apo etc. kahit na minsan pang sarili na nya eh tinitiis nya para lang meron ciang maibigay. kaso ang nakakainis sa lahat eh yung 'THANK YOU, ATE." ... 'THANK YOU MAMA CHIE" ... un lang ang iniintay nya malaking bagay na yun sa kanya.
kaso WALA.

kinausap ko nga si mama at sinabi sa kanyang sa totoo lang hindi nya responsibilidad ang lahat ng iyon. na dapat wag nyang akuin lahat dahil lang sa awa. oo nakaka-awa naman talaga. pero paano matuto?! pano kung (wag naman sana..) dumating yung time na wala kang maiabot?! di ba mas masakit yun?? baka dumating ang oras may sumama pa ang loob dahil hindi mo mapagbigyan. hindi masama magbigay o tumulong. pero sana wag namang abusuhin. magpapasukan na pero ni isang gamit sa eskwela wala. pano kung nagkataong walang pera si mama at wala akong extra para ibigay sa kanila?! eh di mukha silang kawawa!

naaalala ko noon, nung time na Phil. Navy si papa, syempre pa halos hindi mapang-abot ang kita sa gastos nila mama sa liit ng kita ni papa, pero ni minsan, wala kameng inabalang ibang tao para ubligahin sa mga gastusin naming magkapatid. malayo pa ang pasukan o pasko si mama pa-unti unti ng nagtatabi para sa mga pang gamit naming magkapatid, kaya pagdating ng oras hindi nagkukumahog si mama.

ang bait kze talaga ni mama eh, kaso para sakin hindi matuto ang mga iyon eh. aasa lang sila ng aasa. paano kung wala si mama?!

paano sila?!

ay buhay.


19 comments:

Mec said...

ay nako... yang asawa ng yaya mo, isa yan sa mga taong ipagdadasal kong kunin na ni Lord! pramis! nakakainis talaga yung mga taong ganyan...

at can relate din ako sa frustration mo sa Mama mo... parents ko din ganyan... inaabuso galore at sinasandalan ng husto ng kung sino-sino... sabi ko nga, kami tinuruan nilang maging independent... pero sinasanay naman nilang maging dependent yung iba sa kanila! nung pinapagamot namin yung pamangkin ko, isang uncle ko lang ang nag-abot samin ng tulong... hindi sa naghahanap ka pero alam mo yun, sana man lang hawakan nila yung kamay mo ba habang umiiyak ka... ka-imbyernes diba?

pero yun din naman nga... kesa naman nga tayo ang malagay sa lugar na kailangan ng tulong...

feng said...

hay, another yaya blues story ito. habang binabasa ko, napapailing na lang ako. i know how you feel for the Yaya of your daughter. kung pwede lang makiaalam sa buhay nila, matagal na siguro nating ginawa. pero hanggang advices lang ang pwede nating gawin. hay.

are the kids of your yaya going to school already? baka pwedeng i convince mo si Yaya to buy school supplies for the coming school year para pag tinanong nung husband ni Yaya ang sweldo nya eh wala na syang makuha kasi the money went to buying school supplies.

ämörë said...

haay buhay abt relatives.. hindi nman talaga masama tumulong kaso pag dumadalas na saka umaasa pa sayo mahirap na yun. I always have arguments with my mom regarding this.. haay kakaloka cla..

kRisTiNe said...

What a loser (yung husband ng yaya nyo)! She and her kids are better off without him.

As for helping the relatives... eh mahirap talaga matiis ang mga kamag-anak. You're mom must have a big heart. Kaso nga lang if people don't help themselves eh di na dapat sila umasa sa ibang tao. We all work naman for our own money, di naman umuulan ng pera sa bahay.

litzie said...

hi kat. buti ka pa me yaya... ako problema ko pa yan dahil wala ako mahanap... at sana makahanap ako ng pasensyosa kasi iyakin pa si dustin... colicky pa rin kasi.

busy ako, nakalimutan ko wala pa pla kami souvenirs sa binyag kaya takbo ako sa waw at baka choco bars ang pagawa ko... sana umabot pa.... any suggestions?

auee said...

Parang serye ng gulong ng palad yang story ni yaya, 'no? Kainis talaga. Minsan di mo maintindihan kung saan kumukuha ng isip yun mga taong katulad ng asawa nya. What can you do? Tama ka hanggang kausap na lang. Buti nga naihihinga nya sama ng loob nya sa mama mo.

re: Relatives
Asus pareho si Nanay ko at Mama mo. Sabi ko nga sa Nanay ko tama na yung mag-abot sya ng kamay wag naman nyang ipaubaya buong braso nya. Yung iba namang tao kasi talagang saksakan ng kapal.

kathy said...

hi mec!
actually wi-nish ko din yan..nakakaawa naman talaga c yaya eh.
oo nga,ganyan ata talaga kapag mabait ang isang tao, minsan di na nila alam na sinasamantala na cla..ako din d naghahanap ng kahit na ano, pero nung na-hospital si mama ko, ni isa sa kanila wala man lang nagpunta.. :( maige pa ibang tao eh.

kathy said...

hi feng..yaya blues ito. parang pang tele-serye.
yes, her kids are schooling na, actually most of the things for school nabili at napadala na sa province,just the pang-uniform and allowances of the kids ung money..dinagit ba ng magaling na asawa! :(

kathy said...

ei amore...
meaning our moms are really mabait di ba.. sana lang talaga relatives of us eh wag tumodo ng abuso... kakasawa din kze.

kathy said...

ay kristine!
sinabi mo..kung pwede ko lang sabihing iwan na..
re sa relatives: sabi ko nga kay mama buti kung pinupulot lang ang pera eh, sige kahit walisin pa nila..kaso pagod at hirap ang katumbas nun.wala man lang pagpapasalamat. :(

kathy said...

litzie..
don't worry, ganyan din si olin mga bago mag 3 mos shes ok na, talagang may batang kabagin..
at makakahanap ka din ng yaya mo..
uy lapit na binyag ni baby d! sent you link for the suggestions... :)

kathy said...

ay auee..
feeling ko wala ng isip wala pang puso! sarap sapakin! :)
oo nga, buti na lang at machika ever si mama kaya merong sounding board man lang si yaya...

at sa mga katulad ng mama natin, sus grabe di ba..parang sagad sagad ang gusto ng iba sa kanila. sobra na talaga minsan.

JoLoGs QuEeN said...

minsan kasi kahit hindi mo responsiblidad eh parang call of nature kumbaga kung sino ung nakakaluwag expected tumulong.

hayaan mo dami naman nyang ganda points kay papa jesus ^_^

Heart of Rachel said...

I feel sorry for the yaya. Sana marealize nya na may boundary din ang pagtulong.

I admire your mom for being generous and kindhearted.

My mom is also giving and helpful in nature. I think that's why she is blessed in life.

sheilamarie said...

i feel sorry for your yaya and her children. maybe you can advice her to send money thru atm or smart padala and the likes. para di na mahawakan ng asawa ang pera.

regarding your mom, talagang mabait lang =) for sure people will remember her help, even if they forget to say their thanks.

kathy said...

jologs queen! kamusta? oo nga..si papa jesus na bahala sa mga taong ganun..at mga taong marunong tumulong..musta amerika?!;)


hi rachel! oo nga, i believe you..kapag mabait ang isang tao,maganda din ang return sa kanya ni Lord... :)
kaya lang kakasama pa din ng loob ang mga umaabuso...

sheilamarie, hi there! actually for like sometime now, she's been sending via text, but with her last padala she ask for her cousin who's going back to the province that time, thinking that she'll be able to atleast save for the additional charges, but the thing is, the husband was able to get it pa din. :(

Apols said...

Pang maala ala mo kaya talaga ang story ng yaya mo. Tsk tsk.

They said being generous has a lot of rewards from above. I think your mom feels happy about helping and giving something for them (: kahit sabihan mo pa siya gagawin pa rin niya kasi masaya siya hehehe mahirap din magpalaki ng magulang ano?

idealpinkrose said...

hi kathy, nakapag sign up ka na pala sa PPP...goodluck sis!

ang bait ng mom mo...pero nakakainis naman kasi kung minsan yong iba umaabuso...

kathy said...

hi apols!
oo nga, mmk ang drama diba!
mismo! talagang kahit c mama mismo nasasaktan kapag parang balewala lahat ng efforts nya eh sa susunod na punta pwersang tulong nanaman ang ibibigay.. the cycle goes on and on..

pinkyloo!
oo nagsign up ako.. na approved. pero ateng lost ako up to now! wis kong alam ang gagawin ko next.. help naman! :)