Sunday, December 10, 2006

Pinkies!

sunday: ang makasaysayan naming trip to divisoria sampu ng aking mga katrabaho at ng ever-loving nanay, 5:30 assembly time kaya wala pang 7am nasa divisoria na kame! take-note ha, may bagyo pa kahapon pero deadma kame para lang makapag-mega-tipid-shopping! jusme, madurog durog ang sapatos ko sa kakalakad sa putik at madulas na daan... doble ingat na lang dahil baka madulas ako at ang mga pasaway na malilikot na baka matamaan ang bondat kong tyan! nagkanya-kanya na kameng lahat at napag-usapan na lang magkita kita ng mga 4pm sa parking... ok naman ang lakad namin dalawa ni mama, puro paninda nya pinamili at mga paputok ding pantinda... grabe talaga sa divisoria! kung hindi ka mag-ca-canvass at makikipagtawaran to the max madedenggoy ka eh! kaya naman kesehodang kalyuhin ang talampakan ko lakad pa din! ako napamili ko? para sa sarili ko, wala. tinapos ko na mga pamasko sa mga inaanak... sshhh... secret lang ha! at mga iba pang nilalang na mahalaga! :) naks, promising ang dialogue ko... hehehe...
so ayun, jollibee ever as usual ang nilafang naming mag-ina... hectually, eto ang isa sa bonding namin ni mama eh, ang mag-divisoria! ;) siyempre buy na din ako ng mga wrapper,ampao,melon at kiatkiat. ;)

eto ang mas masayang wento... habang nagreready ako kagabi ng mga pinamili ko, nagtxt ang SIL ko na si Bibsy, hinahanap kame ni Amiel at meron daw silang pasalubong.... wow! ubong ito..kaya fly kame ni husband sa house nila at nakita namin ang sinasabing pasalubong....
isang diaper/baby bag (na pink) na punong puno ng gamit ni baby from diaper to bottles to mittens to socks to oils to petroleum jelly to receiving blanket, etc... at lahat kulay pink! :) tuwang tuwa ang asawa ko sa sobrang kikay ng mga bigay ni SIL...eto ang pic..sobrang aligaga ko kaya mega picture taking ang drama! ;) Thank you sis! :)


and speaking of gifts for baby... eto naman dapat noon ko pa nakwento, kaso nakaligtaan ko, pero kinunan ko pa din opkors ng peeture! dahil super excited na nanay kaya lahat peeture taking!
terno na newborn shirts and shorts with matching receiving blanket from precious moments courtesy naman of my Mom in Law.. dba, yellow na yellow...
at pink na pink ang kikay kong anak pag suot nya tong mga to! ;)

bukod dito meron ding mga newborn white shirts na pinamili si mommy... Thanks Mommy!

1 comments:

andrea said...

hi kathy!dami updates a... :) grabe, lapit na lumabas mga baby natin! hehe!