Sunday, August 13, 2006

Buhay pa ako

at nagbalik nanaman ang kabute! ;)


5 days sick leave sa office... inatake ng migraine na walang sawang naging parte ng buhay ko 24/7 ng 6 straight days! yes... para nga kong sinumpa na di ko malaman... naisip ko nga dahil sa sobrang kadaldalan ko kaya pinaranas akong manahimik kahit ilang araw man lang... dahil ni magsalita di ko magawa sa sakit..

sinulit ko na lang ang pahinga ko, ayun na rin sa ob ko kelangan ko ng rest... pero advice nya na magpatingin ako sa Opthalmologist at Neurologist (again) para matignan kung ano talaga ang cause ng headache ko...

so thursday, fly kame ni Amiel sa San Juan De Dios Hospital, first stop: Opta: ang hatol? malinaw ang mata ko at wala namang nakitang findings kung bakit nasakit ang ulo ko, bukod sa napansin nyang medyo malalaki daw ang veins ng mga mata ko...kaya he advices me na magpacheck ng aking FBS or Fasting Blood Sugar since may family history kame ng mga sweet na diabetics! ;0 ...
next stop: Neurologist... yep, dina ko bumalik sa mapaglinlang na Neuro ko last May... may pagka-praning ata un eh! so dumayo nako sa Manila para sigurado... ;) eto naman ang experience ko.. 4-6pm ang clinic nya, nagpalista ako mga quarter to four since right after ng appointment ko with the Opta kumain muna kame ng lunch at 3:15pm! late na pala ako kaya pang 6 na ako sa pasyente... eto matindi... 3 or 4 ata yung naka-wheelchair na! tapos ung kaisa-isang lalakeng pasyente e lolo na din..pero walking status pa.. kaya ako ang sanggol sa waiting group! ;) medyo matagal ang turn ng bawat isa...kaw ba naman, medyo may katandaan na, siyempre it takes time talaga para makausap at macheck diba... pero eto ang kinabigla ko....
ang Neuro ko pala... Mas LOLA sa Katandaan! ;) i mean, parang mas matanda pa cia sa mga naka-wheelchair nyang pasyente! medyo kuba na din cia at mabagal ng magsalita.... hala... medyo nakaramdam ako ng takot... at pagkalito... baka kze ulyanin na si Lola Dra... pero well, well, well, mahusay ang Lola nyo in all fairness! as in nagawa ang mga Neuro exams sakin ng parang ihip lang ng hangin! ;) kaw ba namang maging super expert ka sa field mo! ;) medyo matagal din ang check up ko... good thing clear ulet ang findings sakin, as usual, migraine pa din ang cause... at dahil nga sa 4 months on the way ako, di makapag-bigay sakin ng prescription meds dahil di pwede sa baby ko... kaya tiis tiis lang daw ang gamot bukod sa biogesic, na wala ng epekto sakin! :(

kaya eto ako ngayon... balik trabaho... la ako choice kahit parang may drum rehearsal lagi sa sintido ko... para kay baby kakayanin ko toh!

**at sa ibang kwento naman, dumating na kahapon ang pinakamamahal kong tatay! yahu! direcho hawak sa tyan si papa! :) excited lolo na talaga...

**syempre 5 days akong nagmukmok sa bahay...what kept me alive?! eto po... PRISON BREAK.. natapos ko na ang season 1... sana nga may season 2 na! salamat sa mga kaibigan kong si Glen at Cha sa pagmumulat sakin kay Scofield! ;) kahit si Amiel nagagalit sakin dahil sabi ko crush ko si Michael Scofield! ;) ehehhehe...

2 comments:

andrea said...

hi kathy!grabe, talagang sabay tayo, ako din grabe headaches the past few weeks!i was given a pair of astigmatism glasses by my ophtha kasi aside from migraine, i have astigmatism. nabawasan naman pero paminsan meron pa din. tiis na nga lang. gud lak sa tin! :D

VemSan said...

welcome back ate... ano pasalubong ni tatay? may ciocolat pa ba na pwdeng mahingi?heheheh