Sunday, May 28, 2006

Malling @ Mall of Asia

yep! amiel and i celebrated our Anniversary at Sm Mall of Asia... at ano masasabi ko?! Puchang kalake!!! hehehe... as in na-amaze talaga ako kahapon, si Bossing kasi nakapunta na dun a day before the grand opening with his friends, meron pa nga silang claim na mga spots sa loob ng mall na sila daw ang unang naka-tapak! so kahapon, since we didn't plan on anything to do ng Anniv namin, he decided to bring me there... so ayun, siguro mga 5 minutes after arriving meron akong silly/stupid grin sa mukha na di ko maalis (which i am fully aware) gawa na din ng pagka-lula at mangha combined.

Grabe sa dami ng tao, ayun sa taas yung pic na kinuha ko while nasa 5th floor kame ng north parking (sus, badtrip
nga e,di kame sa southpark! ;)... actually, ung dalawang wing ng mall un ang parking area na consisting of 6 floors each. pero as early as 11am, demet, puno na... so ang mga tarantang makapasok sa isa sa pinaka-malaking mall sa mundo settled for parking sa buhanginan na tutok na tutok ng araw! at ako, bilang ma-pangarap maging tisay, ay, no way will i walk sa arawan na yan! at vain as he is, di rin papatalo ang asawa ko! so inikot ikot muna namin ang vicinity... ayaw na nga magpapasok ng mga guards papuntang parking eh, pero may isang nalito siguro at si-nignalan kameng pumasok, alas! fly kame sa spiral daan papanik sa parking!

moral lesson: agahan ang pagpunta sa mga lugar kapag first-timer para di maubusan ng parking...or maging tulad
namin, maging maarte at umasang may parking space pa sa taas... ;)

Another lesson learned yesterday, na kung plano ulet libutin ang Mall of Asia, well, mag-pony ka ng hair... wag
akong gayahin na nag-blowdried ba at nag-umarte kaya neng, pawisan ang lola mo! meron kazeng mga lobby/alley na hindi airconditioned, eh alangan namang mamili pako at di ko lakaran ang mga open-air na lugar diba...


Food and Dining: Madami talaga, as in kadameng choices! ikaw na bahala kung gusto mo lituhin ang sarili mo... bukod sa pambansang FoodCourt meron din sila sa may labas na TASTE OF ASIA, para din food court yung style nya, isang mahabang mga identical self-service na kainan pero sangkatutak na Asian Cuisines ang available, ie: Indian, Thai, Chinese, Japanese, Vietnamese etc... meron din mga Paluto wherein dun ka na din purchase ng mga ka-hilawan at ka-buhayang mga seafoods at paluto mo sa kanila, ala-dampa ang dating. Meron ding cute na mga alley with umbrella tables tapos kabilaan mga food stalls din, pero kame ni amiel tulad ng nasabi ko,hinilo namin ang mga sarili namin at napadpad kame sa Monglolian Quick Stop at duon umorder ng chicken at beef bowl for lunch...
Isa naman sa naging kasiyahan ko sa pagbubukas ng MoA ay ang pagkakaron ng GO NUTS DONUTS! yes, you got it right, isa na kze sa paborito kong food ang Amazing Glaze nila... Gonuts, was introduced to me early this year by my friend Glen, at first di ako bilib sa mga 'wento ng bruha, kze para sakin, 'hello?! donut lang kaya big deal sau?!' pero sabi nya...'dre, insanely delicious un!' at totoo nga... ng matikman ko ang donut na yun wla na kong nasabi kundi 'Shit ang sarap nga!' ...at doon na nagsimula ang pagka-praning ko sa Gonuts Donuts... Actually, nagustuhan din yun ni bossing pero mula kahapon, mortal enemy na nya! baket?! kze mahigit 45 minutes naming hinanap ang stall at putragis eh nasa harapan lang pala! tapos eto pa malupet, 1 oras, oo, 1hour akong pumila makabili lang ng box of 12 na Amazing Glaze! siyempre di ako palulupig at mega-pila ang drama ko..si bossing? ayun muntikan ng nakatulog sa upuan habang masama ang tingin sakin sa badtrip! hehehe...

Mga Mapapamilihan: Madami, as in andun na siguro lahat with all the given choices, meron pa din namang mangilan ngilan na sarado pa din, pero aanhin ko naman ang Calvin Klein?! Nine West?! at Ralph Lauren?! hello?! ano ko mayaman?! ;) kaya kahit di pa yan magbukas wala pa din ako kiber!

1 comments:

Unknown said...

Hi kat, saan ang mall of asia na yan? ngayon ko lang narinig pero grabe, ha? ang daming nakapark na car..and you mean umaga pa lang no'n? wow ha?
fave ko ang donuts kaya tulo laway ako don sa pic...