Wednesday, April 26, 2006

embeck!

Ive'd not been very talkative lately.... Siguro epekto ng mga makabagong pangyayari sa buhay ko lately....

Una: na-transfer ako sa ibang department sa trabaho. medyo mahirap ang load sa nakasanayan ko ng gawin. pero ok naman. nakakapagsurf pa dn ako paminsan minsan kahit talaga namang madami na akong ginagawa.in other words, aminado akong naging petics talga ako sa last position ko! hehehe...;)

Pangalawa: Dumaan din ang Holy Week at mahaba habang bakasyon ang kaloob sa mga empelyadong tulad ko...at isa pa, nangilin din naman ako, sabi ko sa sarili ko magbabawas ako ng time sa kung ano anong bagay at magpapakaserious sa trabaho ko. (naks! ayos ba?! ;) )

Pangatlo: Company Outing kze namin last week at middle of the working days ang alis namin kaya tarantahan na sa opisina.

Pangapat: Birthday ko kze nung 23.medyo naglay-low lang ako sa mga tao...mahirap ng makanchawan ng blow-out! kapag lagi ka kzeng nakikita mas prone ka sa mga ganung kanchaw e... kaya ngaun tapos na bday ko..c'mon! kanchawan nyo ko! at ang masasabi ko lang e... hu cares! hehehe...

Panglima: Super busy ako mag-upload, mag edit ng mga pictures taken from our weekend vaycay sa bohol at cebu...marami nga nagsasabing swerte daw ang mga empleyado sa company namin at binibgyan kame ng ganung mga benefits.. at yun din ang unang sakay ko ng airplane ha!at pangarap ko un maliit pa lang ako. sa baba makikita nyo mga pics na pinagkukuha ko. sakin kze big deal lahat ng first time...

Pero ngaun balik mundo nako ng blogging. pinagaaralan ko dn ang pag-edit ng template at pag-add-up ng mga links para naman di ako magmukang tanga magisa sa mundo.

o cige, babalik na lang ulet ako ha...

0 comments: